top of page
Search
BULGAR

Mga paralisado muling nakalakad, swimming at cycling sa tulong ng spinal implants

ni Jasmin Joy Evangelista | February 12, 2022



Tatlong pasyenteng paralisado dahil sa spinal cord injuries ang muling nakalakad, nakapag-swimming at cycling dahil sa nerve-stimulation device na kontrolado ng isang touchscreen tablet.


Ang naturang tatlong lalaki ay mga completely paralysed dahil sa motorbike accidents, at ngayon ay nakapaglalakad, nakapagsa-cycling at maging swimming sa Switzerland dahil sa implanted nerve-stimulation device.


Ang spinal implant ay kontrolado sa pamamagitan ng touchscreen tablet at gumagamit ng artificial intelligence.


Batay sa teorya, sa hinaharap ay posibleng gumamit ng teknolohiya ang mga taong may spinal cord injuries sa pamamagitan lamang ng smartphone at pagpili ng activity tulad ng paglakad at pag-upo.


"At the very beginning, it's not super easy. But they can immediately activate their legs and step," ani Jocelyne Bloch ng Swiss Federal Institute of Technology sa Lausanne, na siyang nanguna ng pag-aaral kasama si scientist Grégoire Courtine.


Sa loob lamang ng isang oras na pag-implant ng neurosurgeons ng prototypes ng nerve-stimulation device, nagawa nang humakbang ng tatlong pasyente at matapos ang 6 na buwan, natutunan na rin nila ang iba’t iba pang complex movements.

0 comments

Recent Posts

See All

Commentaires


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page