ni Ka Ambo @Bistado | Oct. 19, 2024
Digong.
He-he-he!
----$$$---
AYON kay DILG Sec. Jonvic Remulla, mawawala na raw ang POGO.
Pa-pogi!
-----$$$--
HINDI maubos ang mga parak na sangkot sa krimen kabilang ang murder.
Balita pa ba ‘yan?
----$$$---
NAGTUTURO ang mga taga-mainstream media kung paano matutukoy ang “fake news”.
Ha! Ha! Ha!
----$$$---
ARAW-ARAW ay may inilalabas na palsipikadong balita ang mainstream media.
Pinakamarami rito ay aktuwal na propaganda ng mga pulitiko.
Tama o mali?
-----$$$--
ANG aktuwal na depinisyon ng fake news ay ang mga “balitang hindi kabali-balita”.
Nobenta porsyento ang ganyang estilo.
Kelan ba kayo ipinanganak?
-----$$$--
BASAHIN ninyo, makinig kayo o manood kayo ng mga balita sa panahon ng kampanya.
Sa palagay ba ninyo ay “totoong balita” ang isinusupalpal sa inyo?
-----$$$--
ANG mga palpak, dispalinghadong ulat na umiimpluwensya sa publiko — ay siya mismong nagpababagsak sa mainstream media — radio, TV at newspaper.
Hindi teknolohiya ang ugat ng pagkabangkarote, bagkus ay ang mga decision-maker na nalipasan ng panahon at hindi nakakasabay sa uso.
-----$$$--
HINDI pa huli ang lahat, kailangan ay mamulat ang mga gumagalaw sa pamamahayag sa mapait na katotohanan — lipas ang padron o modelo sa kanilang pag-uulat.
Wala ring sapat na karanasan sa mainstream media ang mga nasa akademya kaya’t baog o kapos sa kaalaman ang mga bagong graduate sa Mass Communication courses.
-----$$$--
ANG natutuhan sa “on-the-job” training ay ang mga sinaunang padron o estilo na lipas na sa panahong ito.
Halimbawa, hanggang ngayon ang estilo ng “pagbabasa o pang-unawa” sa balita — at sa aktuwal na pagbabasa sa diskarteng “left-to-right” o “top-to-bottom” gayong ang uso ngayon ay graphics at animation.
----$$$--
MALINAW na dispalinghado na ang konsepto sa “communication”, dahil 2,000 taon nang lipas ang estilo na ginagamit sa mga learning institution.
Maging ang esensiya, pilosopiya at kaalaman kung ano ang edukasyon ay nalipasan na ng panahon.
Maunawaan sana ito ng mga nagdudunungan, tulad ng inyong abang lingkod!
Kung may reaksyon, sumbong o katanungan, sumulat sa ASINTADO ni Judith Sto. Domingo sa BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa asintado.bulgar@gmail.com.
Comments