top of page
Search
BULGAR

Mga paraan para maagapan ang pambu-bully sa trabaho

ni Mabel Vieron @Lifestyle | May 21, 2024



File photo

 

Ang pambu-bully ang kadalasang rason kung bakit nawawalan tayo ng gana sa ating buhay. Puwede natin itong maranasan sa internet, paaralan at trabaho.


Minsan ito rin ang dahilan kung bakit madami ang nagpapasya na mag-resign, kahit na sabihin pang mahal nila ang kanilang trabaho.


Kaya mga besh, huwag kayong papayag na mangyari ito sa atin, partikular sa inyong workplace. Upang maiwasan o malabanan ang ganitong senaryo, narito ang mga paraan upang matigil ang pambu-bully sa loob ng trabaho:

 

1.     CONFRONT YOUR COLLEAGUE. Bago ka gumawa ng mga hakbang, komprontahin mo muna ang sinumang nambu-bully sa iyo. Mabuting ipaalam mo sa kanya na nakakaapekto ito sa iyo. Puwedeng isipin ng katrabaho mo na nagpapatawa lamang siya pero, hindi niya napapansin na nagiging unprofessional na siya. Kung ire-report mo ang pambu-bully sa supervisor mo, make sure na sinubukan mo siyang kausapin tungkol dito.


2.     KEEP CAREFUL RECORDS. Bago ka magsampa ng reklamo, make sure na na-document mo ang lahat ng insidente ng pambu-bully sa iyo. Kabilang na rito ang araw at oras ng bawat insidente, gayundin, kung may witness dito. Make sure na mayroon kang kopya ng written o digital correspondence na mayroon ka kasama ang iyong katrabaho.


3.     REPORT INCIDENTS. Sa mga kumpanya rito sa atin, karaniwang inaayos ang ganitong sitwasyon sa pamamagitan ng pakikipag-usap sa direct supervisor bago sa senior management o HR office.


4.     FILE A COMPLAINT. Kung ang bully ay ang supervisor mo, mabuting magtanong sa HR representative upang malaman kung paano maaayos ang sitwasyon. Make sure na may hawak kang dokumento o anumang magpapatunay na may nambu-bully sa iyo.


Kung desidido ka nang magsampa ng reklamo, magagamit mo ang mga dokumento bilang ebidensya. Gets?


5.     CONSULT AN ATTORNEY. Besh, kung hindi masosolusyunan sa loob ng kumpanya ang isyu kahit nagsampa ka ng kaso at nakipag-usap sa HR management, ang sunod na hakbang ay humingi ka ng legal advice. Para makasigurado, mabuting humanap ng abogado na nag-e-specialize sa employment law. Sa ganitong paraan, mas madali mong malalaman kung may discrimination laws na kailangan sa iyong sitwasyon.


Hindi masamang lumaban lalo na kung trabaho na natin ang naaapektuhan. Kung nabu-bully ka sa trabaho o kung may kakilala kayong nabu-bully, make sure na gagawin n’yo ang mga paraan na ito para lumaban, ha? Sa panahon ngayon, kapag nagpakita ka sa kanila ng kahinaan, mas lalo ka lang nilang pagtatawanan. Kaya mga Ka-BULGAR, ‘wag n’yong hayaan na maranasan n’yo ito. Oki?

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page