ni Anthony E. Servinio / MC @Sports | July 10, 2023

Pormal na inihayag ng USA Basketball ang 12-player World Cup roster noong Huwebes, na walang pagbabago sa grupo na gumawa ng mga pangako sa mga nakaraang linggo.
Lahat ng 12 ay pumirma sa kanilang mga kasunduan na maglaro. Pumirma ang mula sa New York sina Jalen Brunson at Josh Hart; Brooklyn, Mikal Bridges at Cam Johnson, Paolo Banchero ng Orlando, Anthony Edwards ng Minnesota, Tyrese Haliburton ng Indiana, Brandon Ingram ng New Orleans, Jaren Jackson Jr. ng Memphis, Walker Kessler ng Utah, Bobby Portis ng Milwaukee at Austin Reaves ng Los Angeles Lakers.
Sasanayin ang mga manlalaro sa rules ng FIBA bago ito sumalang sa isang linggong training camp sa Agosto 2 sa Las Vegas.
Gagabayan ang koponan ni Steve Kerr ng Golden State, katuwang ni Erik Spoelstra ng Miami, Tyronn Lue ng Los Angeles Clippers at Mark Few ng Gonzaga.
Ang coaching staff ay magtitipon upang magpatuloy sa paggawa ng mga plano sa Las Vegas sa unang bahagi ng susunod na linggo.
Inaasahan ding magiging bahagi ng pagtitipon na iyon si Jim Boylen, na nagturo sa mga koponan ng G League at mga internasyonal na manlalaro na dumaan sa 12-laro na iskedyul upang maging kwalipikado ang U.S. para sa World Cup.

Sa 12 na manlalaro, siyam ang may kahit ilang nakaraang karanasan sa USA Basketball at anim — Ingram (24.7), Edwards (24.6), Brunson (24.0), Haliburton (20.7), Bridges (20.1) at Banchero (20.0) — nag-average ng hindi bababa sa 20 puntos kada laro sa NBA noong nakaraang season.
Ngunit wala pang kahit isa sa kanila ang naging bahagi ng World Cup o Olympics.
Mananatili ang mga Kano sa Maynila para sa kabuuan ng torneo at magkakaroon ng group-stage games laban sa New Zealand sa Agosto 26, Greece sa Agosto 28 at Jordan sa Agosto 30. Ang paligsahan ay ang pangunahing qualifier para sa 2024 Paris Olympics.
Comments