ni Maestro Honorio Ong @Kapalaran ayon sa Palad | November 2, 2023
KATANUNGAN
Ano'ng ibig sabihin kapag maraming bilog ang Heart Line at may isa ring bilog sa Head Line? Ganito kasi ang namataan sa palad ng aking manliligaw. Pero, hindi ko pa siya sinasagot, na-curious lang ako kung ano ang kahulugan nito. Maestro, kailan ko kaya makikilala ang lalaking nakatakda kong maging first boyfriend na makakasama ko habambuhay?
KASAGUTAN
Kapag ang Heart Line (Drawing A. at B. h-h arrow a.) sa kaliwa at kanang palad ng isang lalaki ay maraming bilog, ito ay tanda na ang nasabing lalaki ay may pagkabakla, at hindi mo naman ito agad mahahalata. Sa halip, kailangan mo muna itong kumpirmahin, ang unang palatandaan ay ang bilog o island sa Head Line (Drawing A. at B. H-H arrow b.) sa kaliwa at kanang palad. Ikalawa, kung ang lalaking nasabi ay mayroong Venus Line (Drawing A. at B. V-V arrow c.) sa kaliwa at kanang palad. Kung mayroon ang manliligaw mo nito. Tiyak na may pagkabading ang manliligaw mo kung saan, bagama't naitatago pa niya ito sa ngayon. Sa bandang huli, kapag matagal na kayong magkakilala, mapapansin mo rin ang kanyang pagiging malambot. Pero siyempre, puwede rin naman siyang umibig sa isang babae at puwede rin sa kapwa niya lalaki.
MGA DAPAT GAWIN
Hindi naman masamang magduda sa pagkalalaki at mas mabuti pa ngang mag-imbestiga ka sa kanyang buhay upang kapag nakumpirma mong may pagkabading nga ang lalaking manliligaw mo, hangga't maaari ay maisip o mapaghandaan mo na ngayon kung ano ang dapat mong gawin.
Habang ayon sa iyong datos, Odette, ang kaisa-isang Marriage Line (Drawing A. at B. 1-M arrow d.) sa kaliwa at kanan mong palad ang nagsasabing ang unang magiging boyfriend mo na pangmatagalan at seryoso ay siya na ngang nakatakda mong mapangasawa at makakasama sa pagbuo ng isang maligaya at panghabambuhay na pamilya na nakatakda mong makilala sa susunod na taong 2024 sa buwan ng Abril hanggang Mayo sa edad mong mong 32 pataas.
Comments