top of page
Search
BULGAR

Mga pagkaing panlaban sa pananakit ng likod

ni Ronalyn Seminiano Reonico | June 30, 2020




Madalas ba kayong nakararanas ng pananakit ng likod? Ang pananakit ng likod ay maaaring sintomas ng sakit kung kaya’t nangangailangang kumonsulta sa doktor kapag nadalas na nakararanas nito.


Ngunit minsan, ang pananakit ng likod ay maaaring dahil lamang sa maling

lifestyle at knows n’yo ba mga lodi na mayroong mga pagkain na nakatutulong upang

mabawasan ang pananakit nito.


1. Luya - Ayon kay Dr. Michael Levine ng ChiroCare, ang luya ay sagana sa mga compounds na

nakatutulong upang mabawasan ang mga inflammation sa ating katawan katulad ng

pananakit ng likod.

Mabisa rin itong gamot sa nausea, pananakit ng kasukasuan at menstrual cramps.


2. Mani - Mayroon din anti-inflammatory properties ang mani at sagana rin ito sa protina na

kinakailangan ng ating katawan.


3. Kape - Ang caffeine na taglay ng kape ay mabisa ring pain killer. Ayon sa isinagawang

pananaliksik sa University of Georgia, napatunayan na ang 2 cups ng kape araw-araw ay

nakatutulong upang mabawasan ng 50% ang pananakit ng likod pagkatapos mag-

workout.


Ngunit paalala ng mga eksperto, kung iinom ng kape sa isang araw, kailangang

mas higit ang pag-inom ng tubig. Ang kape kasi ay nakakapag-dehydrate at ang

kakulangan sa tubig ay maaaring makapagpalala ng pananakit ng likod.


4. Red grapes - Ito ay may taglay na anti-inflammatory compound na resveratrol na napatunayang mabisang panlaban sa pananakit ng katawan.


5. Salmon - Ang salmon ay sagana sa omega-3 fatty acids na nakatutulong upang mabawasan ang pananakit ng likod. Ang dalawa hanggang 4 na beses ng pagkain nito sa isang linggo ay mabilis na makapagpapagaling ng pananakit ng likod.


Now we know mga ‘tol! Kaya sa mga madalas na nakararanas ng pananakit ng likod, try n’yo na ‘to!


Ngunit paalala lang mga lodi, kung napakatindi ng pananakit ng likod, huwag nang

magdalawang-isip pa na magpakonsulta sa doktor, okay?

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page