top of page
Search
BULGAR

Mga pagkaing good at bad sa mga taong may diabetes

ni Dr. Shane Ludovice - @Sabi ni Dok | January 20, 2021






Dear Doc. Shane,


Parehong diabetic ang aking mga magulang, pero may iniinom naman silang maintenance. Ano ba ang mga pagkain na dapat at bawal para sa kanila? – Arjhay


Sagot


Ang diabetes ay sakit kung saan ang lapay o pancreas ay hindi na nakapagpo-produce ng sapat na insulin para sa katawan at kadalasang resulta ng pagkakaroon ng wrong lifestyle.


May dalawang uri ng diabetes: ang Type 1 diabetes na madalas mangyari sa mga bata at Type 2 diabetes naman sa matatanda.


Ang Type 1 diabetes ay ang pagkakaroon ng antibodies na sumisira sa mga cells ng lapay habang ang Type 2 diabetes naman ay ang paghina mismo ng lapay kung saan nahihirapan na itong gumawa ng sapat na insulin para sa buong katawan.


Iisa-isahin natin ang mga pagkain na nakakasama sa mga taong may diabetes.

  • White rice. Ito ay nakakaapekto sa ating blood sugar level dahil siksik ito sa carbohydrates na kapag nasa loob ng katawan natin ay nagiging glucose o sugar.

  • Patatas. Ito ay hindi mainam para sa mga taong may diabetes dahil maliban sa kawalan nito ng sustansiya, mataas din ang quickly absorbed carbohydrates nito at may mataas na glycemic index (GI) value.

  • Cake and pastries. Ang matatamis na pagkain ay hindi mabuti para sa diabetic dahil sa mataas na sugar, sodium, junky white flour at maraming preservatives.

  • Soft at energy drinks. Ang mga ganitong uri ng inumin ang nakasasama para sa mga diabetic dahil marami itong calories na nakadaragdag ng timbang.

  • Raisins. Ito ay may laman na puro o concentrated sugar na nakapagpapataas ng level ng glucose sa dugo na mas lalong magpapahamak sa mga diabetic.

  • White bread. Ito ay gawa sa white flour na siksik sa starch na isa sa pinaka-nakakasama sa mga taong may diabetes. Ang refined carbohydrates mula rito ay nagdudulot ng mataas na glycemic index na makapagpapabilis ng pagtaas ng blood sugar level.

  • Palm oil. Ito ay nagtataglay ng saturated fats na nakapagpapataas naman ng blood cholesterol levels. Ang mataas na cholesterol sa dugo naman ay isa sa mga pangunahing dahilan ng atake sa puso.

  • Coffee drinks. Ang caffeine sa kape ay nakapagpapataas ng glucose at insulin levels. Kaya ang mga diabetic ay kailangang magdahan-dahan mula rito. Puwede namang uminom ng dalawa hanggang tatlong tasa kada araw pero kung nahihirapang kontrolin ang blood sugar, kailangan talagang tigilan ang pag-inom ng kape.

Super foods para sa diabetes:

  • Beans. Ang kidney, pinto, navy at black beans ay siksik sa vitamins at minerals na magnesium at potassium. Napakataas din ng fiber content ng mga ito. Ang beans ay may taglay ding carbohydrates. Pero ang 1/2 cup nito ay naglalaman din ng protein na katumbas ng isang ounce ng karne na walang saturated fat.

  • Dark green leafy vegetables. Ang spinach, collards at kale ay ilang halimbawa ng dark green leafy vegetables na siksik sa vitamins at minerals tulad ng A,C,E at K, Iron, Calcium at Potassium.

  • Citrus fruit. Ang grapefruit, orange, limes at lemons ay mayaman sa fiber, vitamin C, folate at potassium.

  • Berries. Ang berries ay mayaman din sa antioxidants, vitamins at fiber.

  • Tomatoes. Mayaman ito sa vital nutrients tulad ng vitamin C, vitamin E at potassium.

  • Fish high in omega-3 fatty acid. Ito ay tumutulong para pababain ang risk ng pagkakaroon ng heart disease at inflammation.

  • Nuts. Ang isang ounce ng nuts ay malaking bagay para harangin o i-delay ang gutom. Mayaman din ito sa magnesium at fiber.

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page