ni Jasmin Joy Evangelista | February 9, 2022
Mayroong ilang pagbabago sa Vaxcert.PH kaya nagpaalala ang Department of Information and Communications Technology na kailangan itong muling i-download ng mga nauna nang nakakuha.
"We're in talks with European Union na magkakaroon ng bilateral acceptance between our vax cert at maraming European countries. So dito sa added features, puwede na syang mabasa apart from the many countries that are already accepting our vaxcert," ani DICT Acting Secretary Manny Caintic.
"Sa atin namang gumagamit for local, the IATF resolution said naman na puwede pa ring gamitin ang vax card kung 'di dala ang vax cert. We are encouraging na mag-download ng bago. Mabilis lang naman. It's a 2-minute step."
Sa pahayag ni Caintic sa isang radio interview, sinabi nitong nagdagdag sila ng panibagong security features, at mas marami na ring bansa ang tatanggap nito dahil isinama na rito ang mga bansa mula sa Europa.
Kabilang din sa added feature ang detalye kung naturukan na ng booster dose kontra COVID-19.
Paliwanag pa ng DICT, hindi na mababasa ng mga QR scanner ang lumang version ng Vaxcert.PH kaya hinihikayat nila ang publiko na mag-download na ng bagong bersiyon nito.
Comments