top of page
Search
BULGAR

Mga pagbabago sa katawan ‘pag itinigil ang pagkakape

ni Jersy L. Sanchez - @Life & Style| August 30, 2022




For sure, pamilyar tayo sa mga epekto ng kape, at kabilang na r’yan ang pag-stimulate ng ating heart at muscles. Dahil dito, naging caffeine dependent na ang marami sa atin o ‘yun bang, hindi sila makapagsimula ng araw o gawain hangga’t hindi nakakapagkape. Relate ka ba, beshy?


Pero alam n’yo na ba ang mga puwedeng mangyari sa iyong katawan ‘pag tumigil ka sa pagkakape?


1. BUMABABA ANG TIMBANG. Depende ito kung gaano katapang ang trip mong kape. Sa isang pag-aaral, ang 2/3 ng coffee drinkers ay naglalagay ng sugar, cream, at iba pang flavorings at additives. Gayunman, ang mga umiinom ng black coffee ay nakakakonsumo nang mas kaunting calories kumpara sa mga nagdadagdag ng sweeteners, cream at iba pang additives sa kanilang kape.


2. NADADAGDAGAN ANG TIMBANG. Naranasan mo na bang magkaroon ng cravings nang hindi ka nakapagkape? Sey ng experts, pansamantalang nababawasan ang appetite sa pag-inom ng kape, pero kung sisimulan mong tumigil sa pagkakape, posible kang mag-crave sa matatamis na pagkain at madalas umano itong nangyayari ‘pag nagsimula ang caffeine winthdrawal.


3. MAS MAGANDA ANG TULOG. Habang nag-a-adjust ang iyong katawan dahil wala nang “stimulant”, madalas ay feeling tired ka. Gayunman, pagkalipas ng ilang panahon ay mapapansin mong mas maganda ang quality ng iyong tulog, lalo na kung ikaw ay dating afternoon o evening coffee drinker.


4. MADALAS ANG PAGSAKIT NG ULO. Kapag itinigil ang pag-inom ng kape, ibig sabihin ay nade-deprive ang katawan sa adrenaline at dopamine, ang hormones na nagsisilbing stimulants para mapanatili tayong gising. Bagkus, kikilos ang adenosin — ang responsible hormone para sa rest at tiredness — at magdudulot ng pagbabago sa brain chemistry na magreresulta naman ng pagsakit ng ulo. Upang maiwasan ito, inirerekomenda ang paunti-unting pagbabawas ng caffeine intake hanggang sa tuluyan na itong maitigil.


5. HEALTHY SMILE. Alam nating acidic ang kape, ibig sabihin, nababawasan nito ang tooth enamel at nakaka-stain ng mga ngipin. Kapag binawasan ang caffeine intake, mas maaalagaan ang mga ngipin, gayundin, magandang hakbang ito upang pumuti ang mga ngipin.


6. HIRAP MAGPOKUS. Kapag hindi tayo nakapagkape, mas madali tayong nakakaramdam ng pagod at pagkairita, na posibleng makadagdag sa kawalan ng konsentrasyon. Upang makapagpokus, inirerekomenda ng mga eksperto na kumain ng minty gum para mapanatiling alerto ang utak.


7. MAS KALMADO. Kung nagiging sanhi ng pagiging aligaga ang sobra mong pagkakape, sorry, besh, pero oras na para tigilan ‘yan. Paliwanag ng mga eksperto, dahil ang kape ay isang stimulant, natural nitong napapataas ang level ng adrenaline at stress hormones sa iyong katawan. Kaya naman ang labis na pag-inom ng kape ay nagreresulta sa pagiging aligaga at irritable, lalo na kung ikaw ay sensitive sa caffeine.


Ngayong alam na natin ang mga epekto ng paghinto sa pag-inom ng kape, make sure na handa ka rito sa oras na mapagdesisyunan mong tumigil na sa pagkakape.


Tandaan lamang na unti-unting gawin ang paghinto sa pag-inom ng kape upang maiwasan ang withdrawal symptoms. Keri?

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page