ni Imee Marcos @Imeesolusyon | Jan. 10, 2025
Mga beshie, 2025 na. New chapter, new me, new everything, at siyempre, new goals na dapat ma-achieve. Kaya naman, eto na ang ilan sa New Year’s resolutions para sa 2025 na swak sa energy nating mahilig magpabongga sa buhay. Ready na ba kayo? Gow na tayo!
1. Exercise, Prioritize Your Health – Mga beshie, walang forever sa fast food! Life gets shorter lang! Gumalaw-galaw na, kahit mag-TikTok dance challenge lang. ‘Pag tumataba na ang fez, ibang usapan na ‘yan ha. Move it or lose it! Tara, mag-Zumba tayo!
2. Support Local – Iwas imported, go Pinoy na, mga dzai! Mas masarap, mas affordable, at bonggang support pa sa mga kapwa natin. Uy, bumili na ng kakanin sa suking mamshie o mag-shopping ng local handmade realness. Charotera ka pa ba? Manood ka na rin ng indie films, makinig ng OPM, at mag-promote ng sariling atin. Pak na pak ang talentong Pinoy! Kailangang proud tayo at hindi kinakahiya ang atin. Support-support din, beshie!
3. Join a Cause, Lalo na Para sa Kabataan – Mga sis, 2025 is the year na tutulong tayo sa community! Ano mang grupong bet mong salihan para may ambag tayo sa next-gen, let’s do this! Push natin ang aking YFC at YC2 program para sa mga bagets sa agri at creative industries! Wagi na, impactful pa!
4. Sumali sa Community Efforts – May feeding program, clean-up drive, o tree planting ba malapit sa inyo? Gow na at mag-volunteer. Help others ang peg! Hindi lang para sa sarili, kundi para sa kinabukasan ng lahat!
5. More Friends and Family Time – Uy, mag-set na ng bonding with your tropa at fam. Kahit simpleng chikahan over pancit canton, solb na! Pakitaan ng love-love, kasi sila ang life support natin sa anumang drama ng buhay. Beshie, expand your social life! Kahit pa certified introvert ka, try mo mag-reach out sa iba. Who knows, baka and’yan na ang future BFF mo or ang taong magdadala ng good vibes at growth sa life mo. Gow lang, walang talo sa dagdag-connections!
6. Be Proud of Yourself – Gurl, tigilan na ang self-doubt ha? Winner ka, iparamdam mo! Walang makakatalo sa isang beks na confident sa sarili. Let’s slay 2025 with fierce energy! Sabi nga nila, ‘Proud of me and my short list of accomplishments’, say mo?
7. Treat Yourself Responsibly – Dasurv mo ‘yan, sis! Mag-shopping spree ka na kung afford, pero make sure na walang utang drama after. Designer kung kayang-kaya, Divisoria kung medyo tipidity. Basta happy ka, lavarn!Mga dzai, tara na! I-level up natin ang life goals at paandar na dasurv natin. Wagi ang taon kung wagi rin tayo! Bonggang energy lang, mga beshie. Gow na, gora na, push na ngayong 2025!
Comments