top of page
Search
BULGAR

Mga ospital posibleng maparalisa sa pagre-resign ng mga nurse — PHAPI

ni Jasmin Joy Evangelista | October 21, 2021



Patuloy na dumarami ang bilang ng nurse na nagre-resign kaya nangangamba ang grupo ng mga pribadong ospital na maaaring kapusin sila sa manpower.


Umaalis daw ang mga ito dahil mas pinipiling magtrabaho abroad.


Ayon kay Dr. Jose Rene de Grano, pangulo ng Private Hospitals Association of the Philippines (PHAPI), posibleng maramdaman ang kabawasan sa mga umaalis na nurse sa loob ng 6 na buwan.


"For the past, siguro 2 or 3 weeks, nakita natin na medyo mga around 5 percent or more ng ating mga nurses... ay nagfa-file ng kanilang resignations dahil gusto ho nilang mag-work sa ibang bansa," ani De Grano.


Ayon sa grupo, hinihiling nila sa pamahalaan na matulungan ang malilit na ospital at mga private hospital na mabigyan ng subsidiya para maitaas ang sweldo ng mga nurses.


Sagot naman ng Department of Health, pinag-aaralan na nila kung ano ang susunod na hakbang, lalo't may mga bansa ring niluwagan ang requirements sa pagkuha ng mga Pinoy nurse.


"Kahit wala ka nang practice, eh kinukuha ka na nila dahil nangangailangan din sila ng health care workers. And that is why it is so unfair. Pero wala po tayong magagawa eh, kasi ang ating healthcare workers, they want a higher salary," ani Department of Health spokesperson Usec. Maria Rosario Vergeire.

Recent Posts

See All

Comentários


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page