top of page
Search
BULGAR

Mga ospital, naka-Code White Alert

ni Eli San Miguel @News | Nov. 1, 2024



Lahat ng mga health worker sa mga ospital, kabilang ang mga surgeon, anesthesiologist, internist, at nurse, ay handang tumugon sa mga medical emergency anumang oras. File


Inilagay ng Department of Health (DOH) ang mga ospital sa Code White Alert para sa paggunita ng All Saints' at All Souls' Days.


Sa isang pahayag, sinabi ng DOH na ang Code White Alert ay ipinapatupad mula Nobyembre 1 hanggang 2, kung kailan dagsa ang mga Pilipino sa mga sementeryo upang bisitahin ang puntod ng kanilang mga mahal sa buhay.


Nangangahulugan ang Code White Alert na lahat ng mga health worker sa mga ospital, kabilang ang mga surgeon, anesthesiologist, internist, at nurse, ay handang tumugon sa mga medical emergency anumang oras.


Bukod dito, saklaw din ng Code White Alert ang Operations Center (OPCEN) ng mga ospital upang makipag-ugnayan sa mga tanggapan ng DOH sa rehiyon at sa central office.

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page