top of page
Search

Mga OFW na pupunta sa Taiwan, required mag-quarantine ng 21 days

BULGAR

ni Jasmin Joy Evangelista | February 27, 2022



Ire-require na sumailalim sa 21-day quarantine ang mga Overseas Filipino Workers (OFW) na tutungo sa Taiwan, na siya namang covered at babayaran ng kanilang employer at ng Taiwanese government, ayon sa Philippine Overseas Labor Office (POLO).


Batay sa report, required na bayaran ng mga employers at ng Taiwanese government ang suweldo ng mga OFW at sasagutin din ang halaga ng kanilang quarantine period.


Ayon sa POLO, ang mga OFWs ay iku-quarantine sa government facility sa unang 14 araw, habang ang kasunod na pitong araw “self-help management.”


Tinatayang nasa 40,000 bagong hire at returning OFWs ang nakatakdang dumating sa Taiwan.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page