ni Ronalyn Seminiano Reonico | November 25, 2020
Hinikayat ni Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Silvestre Bello III ang mga nurses sa pribadong sektor lalo na ang mga nagtatrabaho sa mga 5-star hospitals na magsagawa ng protesta upang ipaglaban ang kanilang propesyon.
Nagbabayad umano ang ilang mga nurses sa mga ospital para magkaroon ng experience at makapagtrabaho sa ibang bansa. Saad ni Bello, "That's why I encourage nurses to go on strike para hindi maka-operate itong mga 5-star hospital. Ang lalaki ng hospital, ang lalaki ng kita nila pagkatapos ang nurses nila, may nagbabayad P6,000 a month, P10,000 a month... Sinasabihan ko 'yung nurses go on strike. Raise the value of your profession.
"Iyun lamang nurses sa private sector na hindi lang underpaid, they are also exploited.” Pinag-aaralan na rin umano ni Bello na taasan ang suweldo ng mga medical workers sa pampribadong ospital.
Aniya, "I agree 100 percent with our nurses that they are underpaid and that is the reason why we came up with a proposal recommending the raising of the salaries of nurses and medical workers in the private sector to the level of nurses and medical workers in the public sector.”
Comentários