top of page
Search
BULGAR

Mga nanay, read n’yo na!... Hakbang para maturuan ng time management ang mga bata

ni Justine Daguno - @Life and Style | November 5, 2020




Maraming nangyari sa pagdating ng hindi inaasahang pandemya, kung saan maraming hanapbuhay ang naisakrispisyo, at maging ang sistema ng edukasyon ay lubos na naapektuhan. Malaking porsiyento sa mga estudyante ngayon ang naninibago sa setup ng klase o ‘yung tinatawag na ‘new normal’ class.


Kaya naman, kani-kanyang diskarte ang mga parents para matulungang mag-adjust si bagets. Well, isa sa mga hassle ay kung paano iisa-isahin ang mga gawin, in short, aplikasyon ng time management. Worry no more dahil narito ang ilang tips natin para r’yan:

1. MAGPLANO NANG MAAGA. Napakahalaga ng pagpaplano o paggawa ng checklist kung sasabak sa marami-raming school works si bagets. Makatutulong ito sa mga estudyante para ma-organize ang kanilang gawain na naaayon sa oras o deadline. Kailangan nilang maglaan ng panahon upang maayos ang hectic schedule.

2. ‘WAG MAG-MULTITASK. Hangga’t maaari ay iwasan ang pagmu-multitask dahil makababawas lamang ito ng productivity ng bata. Ipaalala natin sa kanila na dapat one thing at a time ang gawin, kailangan nilang mag-focus para hindi magkamali o magpaulit-ulit na siyang dahilan kung bakit mas napahahaba ang oras sa ginagawa. Make sure na ‘wag kalimutan ang checklist para hindi malito o magulo ang isip sa mga dapat unahin o tapusin.

3. LUMAYO SA DISTRACTIONS. Kailangang malayo sa iba’t ibang distractions ang ‘study area’ ng mga bata. Sa bawat ginagawa, dapat walang abala para mas madaling matapos ang task. Kapag nagsimula na sa gawain, ilayo ang cellphone kung computer ang gamit, patayin ang TV at i-mute muna ang mga social media. Tandaan na kailangan nilang matutunan ang disiplina bago ma-master ang time management.

4. BIGYAN NG REWARD. Mahalagang bigyan ng reward ang mga bata pagkatapos ng stressful na gawain sa school. Simpleng paraan ito upang ma-motivate pa sila sa mga susunod na araw at maiwasan ang burnout o sobrang pagod na nagreresulta ng kawalan ng gana sa lahat ng bagay.

5. MAGKAROON NG MAGANDANG TULOG. Sikapin na magkaroon sila ng magandang tulog, sobrang kailangan ito para magkaroon ng sapat na lakas ang kanilang katawan para harapin ang panibagong battle kinabukasan.

Kung tayong mga adult ay naha-hassle sa sitwasyon ngayon, paano pa ang mga bata na hindi pa lubos ang pang-unawa sa mga bagay-bagay sa kanilang paligid? Kailangan nila ng gabay nang sa gayun ay madali silang makapag-adjust at hindi gaanong mahirapan sa sistema sa kasalukuyan. Okie?

0 comments

コメント


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page