ni Thea Janica Teh | November 11, 2020
Pinaalalahanan ng PAGASA ngayong Miyerkules ang lahat ng mga residenteng malapit sa Pasig, Marikina at Tullahan river dahil sa posibleng pagtaas ng tubig sanhi ng Bagyong Ulysses.
Sa advisory na inilabas kaninang alas-3 ng hapon, sinabi ng PAGASA na sa pagdaan ng Bagyong Ulysses sa Luzon at sa papalapit nitong pag-landfall, maaaring tumaas ang water level ng upper at lower Marikina, Pasig at Tullahan River.
Kaya naman pinag-iingat ang mga residenteng naninirahan sa mga sumusunod na lugar at maging alerto sa posibilidad na pagbaha at landslide:
Upper Marikina River:
• Rodriguez
• Antipolo
• San Mateo
• Quezon City
• Marikina
• Pasig
Lower Marikina River:
• Pasig
• Mandaluyong
Pasig River:
• Quezon City
• Mandaluyong
• Manila
Tullahan River:
• Quezon City
• Caloocan
• Malabon
• Navotas
• Valenzuela
• Mango River (Rodriguez)
• Nanka River (Marikina, San Mateo, Antipolo)
• San Juan River (Quezon City, San Juan, Manila)
Pinaalalahanan din ng PAGASA ang mga residente sa Cagayan at Isabela sa posibilidad na pag-apaw ng Cagayan River basin.
Sa ngayon ay nakataas pa rin sa Tropical Cyclone Wind Signal No. 3 ang Metro Manila, Calabarzon, Central Luzon, Aurora, Catanduanes, Camarines Norte, pati na rin ang ilang parte ng Camarines Sur, Quirino at Nueva Vizcaya dahil sa Bagyong Ulysses.
Comments