@Editorial | June 01, 2021
Ngayong buwan inaasahang aarangkada ang pagbabakuna sa mga essential workers na nasa ilalim ng A4 category.
Sisimulan ang pagpapabakuna sa mga nasa A4 list sa Metro Manila, Bulacan, Cavite, Rizal, Laguna, Pampanga, Batangas, Cebu at Davao.
Kaugnay nito, ihihirit ng 17 Metro Manila mayors na makasama ang mga manggagawa na nasa work-from-home arrangement. Ito ay napag-usapan na umano ng mga alkalde sa pulong ng Metro Manila Council (MMC).
Partikular na nais mabakunahan na ay ang mga nagtatrabaho sa call centers na ngayon ay naka-work-from-home mode.
Paglilinaw ng mga lider ng LGUs, lahat ng lumalabas, formal o informal workers ay pasok sa A4 category. Kumbaga, kahit mga naka-work at home ay lumalabas din naman, kaya dapat lang mabigyan ng priority sa vaccination.
Tama lang na maging pantay-pantay ang pagbibigay ng bakuna, dahil sa huli, ang pinaka-target naman ay mabakunahan ang lahat. ‘Ika nga, “No one is safe until everyone is safe”.
At para naman sa mga manggagawa na kabilang sa mga matuturukan ngayong buwan, tulad ng paalala mula nu’ng day 1, kahit bakunado na, kailangan pa ring mag-ingat at sumunod sa mga panuntunan laban sa COVID-19 at iba pang sakit.
コメント