top of page
Search

Mga naipundar, puro sa mga anak… WILLIE, TODO-PAYAMAN NA LANG, AYAW NANG MAG-ASAWA

BULGAR

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | February 17, 2021




At this point of his life, mukhang wala na sa plano ni Willie Revillame ang mag-asawa pang muli upang may makasama sa kanyang pag-iisa.


Ang tanging kaligayahan na lang ng Wowowin host ay ang kanyang mga anak na nakikita at nakakapiling niya sa kanyang free time.


Bilang isang ama ay hindi naman siya nagkulang sa kanyang obligasyon sa mga anak at patuloy pa rin siya sa pagsisikap upang mabigyan ng magandang future ang mga mahal niya sa buhay.


Ayaw niyang maranasan ng mga anak ang hirap na kanyang pinagdaanan nang nag-uumpisa pa lang siya sa showbiz at nang biniyayaan ng magandang suwerte ay nag-ipon siya at nag-invest. Ang kanyang mga programa sa telebisyon ang naging daan upang siya ay makilala at sumikat.


Mula sa Wowowee hanggang sa Wowowin ay hindi siya iniwan ng kanyang mga fans and supporters. Ang programa niyang Wowowin/Tutok to Win ay mahigit 21 M na ang subscribers (YouTube, Facebook at Twitter). Pinapanood siya ng mga Pinoy na nasa iba’t ibang panig ng mundo.


Daig ni Willie sa popularidad ang malalaking celebrities/kandidato. Si Revillame ang nagsisilbing pag-asa, inspirasyon at bayaning tagasagip ng mga taong nangangailangan ng tulong/ayuda.


Kahit nga tapos na ang Pasko at ang kanyang kaarawan, tuluy-tuloy pa rin ang pamamahagi niya ng tulong at cash. Malaking halaga rin ang ipinamimigay niya sa mga viewers araw-araw pero ang pagse-share na ito ni Willie ng kanyang mga blessings ay bahagi na rin ng kanyang pasasalamat sa mga viewers ng Wowowin.


Marami tuloy ang nagtatanong kung gaano na ba kayaman ngayon ang isang Willie Revillame? Sa dami ng kanyang mga properties at investments, masasabing bilyonaryo na si Willie at hanggang ngayon, kahit na senior citizen na siya ay patuloy pa rin siya sa pagtupad sa kanyang mga pangarap.


Meron na siyang magarang mansion, mga luxury cars, yate, private plane, building, mga rest house sa Tagaytay, malaking hotel at private resort sa Puerto Gallera na may 8 villas.


Ngayon, ang pinagkakaabalahan niya ay ang pagpapatayo ng isang hotel na kakaiba ang design.


So, papaano pa makakaisip na mag-asawa si Willie kung ang panahon niya ay naka-focus sa pagpapayaman?


But one thing is sure, nakakasiguro na ng matatag na future ang kanyang mga anak dahil sila ang magmamana ng yaman ni Willie.

0 comments

Commentaires


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page