ni Lolet Abania | July 18, 2020
Kapag pinag-uusapan ang Vitamin E, agad na isinasagot natin ay para sa beautiful and glowing skin. Pero, alam niyo bang mayroon pa itong naibibigay para sa ating kalusugan na kinakailangan natin sa ngayon. Heto ang ilan sa mga iyon.
Sa skin cell health: Paglaban sa free radicals. Isang antioxidant ito na nakapagpapasigla ng balat at nagpapanatili ng fresh, youthful skin. Pinatunayan ito sa pag-aaral na ginawa sa UL Skin Sciences Inc. (ULSSI), “Vitamin E helps maintain membrane integrity in all cells of the body including the nerve tissues by acting as the body’s fat-soluble antioxidant. It promotes cell and tissue renewal of the skin, heart, lungs, muscles, and liver.” Lumalaban ito sa free radicals, kung saan chemicals ito na nabubuo sa normal na proseso ng katawan tulad ng paghinga, metabolism at immune system response. Kaya importante ng Vitamin E bilang antioxidant properties.
Sa immunity research: Free radicals kontra antioxidants. Hindi lang sa skincare may isyu ang dalawang ito, free radicals at oxidants. Kailangan ng tamang balance sa dalawa na hindi puwedeng marami ang isa o mababa ang isa dahil maaaring magresulta ito bilang serious illness. Dapat na ma-identify ang oxidant sources tulad ng cigarette, alcohol, bad food, stress at iba pa. Ayon sa pag-aaral, “If free radicals overwhelm the body's ability to regulate them, a condition known as oxidative stress ensues.” Ang function ng antioxidants ay hindi para alisin ang free radicals, kundi upang ibalanse ang amount na naibibigay nito sa katawan. Sumusuporta ang Vitamin E sa pag-increase ng immune functions at pagbibigay ng higit na proteksyon laban sa infectious diseases. Higit sa lahat ang bitaminang ito ay essential bilang immunity booster na kailangan ng katawan.
Sa health maintenance: Pagsasaayos ng health cells. May mga research nang ginawa na nagpoprotekta sa ating cell. Nakita sa pag-aaral na ang Vitamin E ang may naitutulong sa paglaban sa mga matinding sakit tulad ng heart disease, cancer at eye disorders. Patuloy ang isinasagawang research ng mga scientist dahil sa lumalabas na ito ay may malaking role sa nerve healing ng isang taong may sakit.
Isa lang ang patunay, malaki ang naitutulong ng Vitamin E sa ating immune system, na dapat na isama sa ating pang-araw-araw pamumuhay, lalo na sa panahon na nakararanas tayo ng health anxiety.
Comments