by Info @Editorial | Dec. 6, 2024
Pinagsisikapan ngayon ng ating gobyerno na mapauwi ang 13 Pinay surrogate mothers na convicted sa Cambodia.
Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), sa kabila ng conviction, napagaan ang parusa laban sa mga Pinay. Ito ay dahil sa halip na 20 taong pagkabilanggo sa ilalim ng surrogacy ban ay trafficking na lamang ang ikinaso sa kanila at mula sa apat na taon ay ginawang 2 taon na lamang ang kanilang parusa ng Phnom Penh.
Dalawa sa mga Pinay ang nanganak na kaya inaayos na rin ang pagkupkop sa kanilang sanggol sa pakikipagtulungan sa Department of Social Workers and Development (DSWD) at Department of Justice (DOJ).
Napag-alaman na ang 13 surrogate mothers ay na-recruit online sa pamamagitan ng private messaging o texting ng isang ahensya na nakabase sa Pilipinas. Wala rin umanong direktang pag-uusap ang mga Pinay sa kanilang kliyente dahil hawak ng third party agency representative ang lahat ng kanilang transaksyon.
Nawa’y magsilbi itong babala sa mga nagbabalak na pumasok sa ilegal na gawain.
Walang maidudulot na maganda ang pagsuway sa batas, sa halip ilalagay ka pa nito sa kapahamakan.
Comentarios