ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | April 13, 2021
Sa kanyang latest YouTube vlog ay sinagot ni Kim Chiu ang most searched questions sa kanya sa Google. Naaliw nga kami sa panonood dahil karamihan sa mga tanong sa kanya ay mga basic information about her, like ano ang height niya, ano ang favorite food niya, ano ang zodiac sign niya, saan siya na-discover, half-Chinese ba siya, etcetera.
Tawa nang tawa si Kim sa tanong na “How is Kim Chiu?” at pati kami ay natawa sa sagot niya.
Aniya, nakaka-touched naman daw na kinukumusta siya ng mga tao kay Google.
“Ang sweet naman ng mga tao, kinukumusta nila ako kay Google. Oh, naiiyak ako, they’re so sweet,” sey ni Kim.
“Siguro, hindi nila ako makumusta as myself, tinanong na lang nila si Google kung kumusta ako. Ah, the cutest! Okay lang po ako, maraming salamat,” dagdag niya na natatawa rin.
“Grabe, most searched question, ‘How is Kim Chiu?' I’m okay, I’m fine, I’m happy and thank you for asking Google kung how am I. I’m fine, thank you.
“Okay naman me. Siguro, kaya most searched ‘to, ‘yung mga nangyari sa akin last year. Kung kumusta ako. But I’m okay. After one year, ‘eto po tayo, alive na alive and kicking, thank you, Lord,” sey pa niya.
Isa rin sa mga tanong na napasigaw pa si Kim ay kung kasal na raw sila ni Xian.
“Mukha lang because we love each other,” natatawang sagot ni Kim. “But we are not yet married. We are in a relationship. Wala pa naman kami roon. So, let’s see.”
Siguro raw, kaya naitatanong ‘yun ay dahil ang tagal na nila together ni Xi.
May tanong din kung ‘together’ pa ba sila ni Xian at ani Kim, “Oo naman, ba’t naman hindi? Yes, we are still together and very much happy, all these years. Thank you, Xi.”
Isa rin sa mga tanong ay kung nakakapagsalita ba siya ng Chinese kaya nagparinig si Kim ng pagsasalita niya ng Mandarin. Pero Fookien daw ang madalas nilang ginagamit na salita.
“Malaking Chinese blood sa amin, tapos pina-follow namin ang Chinese tradition dahil sa lola ko.
“So, mas madali akong umintindi ng Fookien which is madalas na ginagamit dito sa Pilipinas. Pero 'pag umalis ka na ng Pilipinas, ang ginagamit na talaga is Mandarin and Cantonese. Hindi ko alam kung bakit hindi ko masyadong natutunan mag-Mandarin,” aniya.
Comentarios