top of page
Search
BULGAR

Mga naghahanap ng dyowa, target ng mga scammer, ingat!

by Info @Editorial | Nov. 23, 2024



Editorial

Muling nagpaalala ang Department of Information and Communications Technology (DICT) sa publiko na mag-ingat sa mga naglipanang love scams ngayong holiday season.


Dahil damang-dama na ang papalapit na Pasko, uso na naman ang love scam na target makapambiktima ng mga malalamig ang Pasko.


Sa naging pahayag ng DICT, sinabing kadalasang nabibiktima ng ganitong modus ay mga single na naghahanap ng dyowa lalo na online. Kaya hinihimok ang publiko na maging mapagmatyag para hindi mabiktima ng ganitong modus.


Sakaling mabiktima, i-report agad sa mga otoridad para mabigyan ng aksyon.


Nakapanlulumo lang talaga na sa panahon sana ng kasiyahan at pagbibigayan, isang malungkot na katotohanan ay ang patuloy na paglaganap ng mga scam o panloloko. 


Sa halip na magkaisa at magdiwang, tila may mga tao pa rin na nagsasamantala sa kalagayan ng iba para kumita sa paraang hindi tapat. 


Ang Pasko ay panahon ng pagkakawanggawa at malasakit, ngunit sa kabila ng mga makulay na ilaw at saya ng Kapaskuhan, may mga ulat ng mga taong naloloko ng mga scammer.


Nagkalat ang mga scammer na gumagamit ng mga emosyonal na puwersa upang manghikayat ng simpatiya at pagkahulog sa kanilang mga patibong. 


Kaya mahalaga ang pagpapalaganap ng kaalaman sa publiko tungkol sa mga uri ng scam at kung paano ito maiiwasan. Dapat na maging mapanuri at mag-ingat sa mga alok na masyadong maganda upang maging totoo. 


Kailangan nating paigtingin ang mga hakbang upang maparusahan ang mga scammer, pati na rin ang pagsugpo sa mga online platform na nagsisilbing pugad ng kanilang mga gawain. 


Huwag hayaang maging sanhi ng kasawian ang mga malulupit na gawain ng ilang tao sa panahon ng Pasko.


0 comments

Коментарі


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page