by Info @Brand Zone | Oct. 25, 2024
Naghatid na rin ng tulong si Senador Ramon Bong Revilla, Jr. sa mga biktima ng bagyong Kristine sa lalawigan ng Cavite.
Partikular na inabutan ng tulong pinansyal ni Revilla, kaakibat ng Department of Social welfare and Development (DSWD) ang may isanlibo at apatnaraang residente ng Bacoor na una na ring nabiktima ng magkakasunod na sunog.
Ang mga beneficiaries nakatanggap ng 25 thousand pesos bilang tulong lalo na sa mga nasıra ang bahay.
Ayon sa Senador, kalunos lunos ang sinapit ng mga taga Bacoor dahil hindi pa man sila nakakarekober sa sunog, apektado na naman sila ngayon ng panibagong kalamıdad.
Kabilang aniya sa tinamaan ng bagyong Kristine ang mga bayan ng Bacoor, Tanza, Heneral Trias, Imus at ilang bahagi ng Tagaytay dahilan kaya isinailalim na ito sa state of calamity .
“Tinamaan din ang Cavite - parte ng Tagaytay may portion doon; Tanza; Gentri; Imus; at Bacoor - kaya kailangan natin silang alalayan,” ani Revilla.
Personal na nag-ikot si Revilla kasama ang maybahay na si Congresswoman Lani Revilla para alamın ang sitwasyon ng mga kababayan bago namahagi ng tulong gaya ng relief packs na ginawa sa Bacoor coliseum.
Коментарі