top of page
Search
BULGAR

Mga mali-maling learning modules, sobrang nakakahiya!!!

ni Imee Marcos - @Imeesolusyon | October 21, 2020



Mahigit dalawang linggo na ang online class o distance learning, pero samu’t sari pa rin ang mga aberya. Nakakaloka!

Nakakaalarma ang mga palpak na aralin. Isa na riyan ‘yung “bastos o mahahalay” na mga pangalang ginamit na halimbawa, na sinagot din ng mga bastos na salita. Ano ba ang itinuturo natin sa kabataan?

Mabuti na lang at naibabalita ang mga ganyan sa social media, na nagba-viral pa! Kung hindi, paano natin malalaman ang mga kapalpakang ito na kung tutuusin, matagal na ring nangyayari sa ating mga textbook?

Hindi lang ‘yan, namamayagpag din ang mga typo errors at maling grammar! Sa isang module, may nakita kaming 35 mistakes.


Nakakita naman ng 37 mali ang isa naming kasamahan. Ano ba ‘yan?

Kung nagkamali sa pagta-type at sa pag-i-imprenta, mas lalong nakakatakot isipin. Walang oras mag-proofread ang mga gumawa ng modules? O, sadyang wapakels lang?

‘Yung ating mga titser sa Cordillera, Mindanao at iba pang parte ng bansa —extra-challenge para sa kanila ang pagdi-distribute ng mga modules. Tapos, ‘yun pala, bukod sa mahirap intindihin, mali-mali pa. ‘Susmarya, nakakahiya to the max!

‘Yung ibang nanay naman, nagrereklamo rin. Sabi, wala raw silang maintindihan sa module, napakahirap o kumplikado raw.

Hay, naiintindihan ko ang sitwasyon ng DepEd. Naaawa rin ako sa kanila dahil paspasan naman talaga ang paggagawa ng mga learning materials.

IMEEsolusyon lang d’yan ay super-double checking ang gawin ng DepEd. Hindi lang dahil nakakahiya, kundi para masigurong tama ang ating itinuturo sa mga bata. Keri n’yo ‘yan!

Siguraduhin sana ng DepEd na bago ma-release ang mga module sa mga bata, hundred percent korek!


Although sagad to the max na ang pagod ng mga teachers, paki-double check din bago ninyo ituro sa mga estudyante. Kawawa naman sila na tatandang mali ang mga natutunan. Hindi ba?

0 comments

コメント


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page