top of page
Search
  • BULGAR

Mga magkakapamilyang pulitiko, mananalo dahil iboboto ng mga mapupurol ang utak

ni Pablo Hernandez @Prangkahan | Oct. 4, 2024



Prangkahan ni Pablo Hernandez

KAHIT SINO’NG MANALONG ALKALDE KINA ISKO AT HONEY, RAKET NINA ‘BOY ABANG’ AT ‘LORNA’, TULOY PA RIN -- May impormasyon na ang magdyowang gambling lords na sina "Boy Abang" at "Lorna" ay ‘namamangka sa dalawang ilog’ sa pangangampanya. Si "Boy Abang" ay nangangampanya raw para sa kandidatura ni former Manila Mayor Isko Moreno at si "Lorna" naman daw ay nangangampanya para kay Mayora Honey Lacuna.


Hanep din ang diskarte ng madyowang ilegalistang ito, kasi nga kahit sino ang manalo kina Isko at Honey ay tuloy pa rin ang mga raket nilang lotteng, E2 at bookies sa Maynila, boom!


XXX


MANANALO ANG MGA MAGKAKAPAMILYANG PULITIKO KASI MAJORITY NG MGA PINOY AYON SA SURVEY MGA LOW IQ O MAPUPUROL ANG UTAK -- Sa inilabas na data ng International IQ (intelligence quotient) ay kabilang ang mga Pilipino sa may low IQ o mapurol ang utak.


Maaaring iyan (low IQ) ang dahilan kung kaya’t sangkaterbang magkakapamilyang pulitiko na may mga sikat na apelyido ang sabayang magsisipagkandidato sa darating na May 2025 midterm elections.


‘Ika nga, alam ng mga magkakapamilyang pulitiko na may mga sikat na apelyido, na sila ay mananalo dahil nga iboboto sila ng majority Pinoy na mga mapupurol ag utak, boom!


XXX


IMBES MAWALA ANG PARKING FEE, MAY NAGTAAS PA NG PARKING FEE --Nagtaas ng parking fee ang Ninoy Aquino International Airport (NAIA), na ang dating P40 kada oras ay magiging P50 na, at sa overnight parking naman ay mula sa dating P400, magiging P1,200 na.


Kung ganu’n, pabida lang pala ng mga senador at kongresista ang mga idinadakdak nila noon na ipagbabawal na ang parking fee sa mga gov’t. office, establisimyento, maging sa mga hotel, hospital, restaurant at malls, kasi imbes mawala, ay nagtataasan pa ang parking fee, buset!


XXX


UMPISA NA NG BAD KARMA SA MGA SANGKOT SA EJK -- Nanawagan na ang Quad-Committee ng Kamara sa Dept. of Justice (DOJ) na sampahan na ng kasong murder sina former Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) General Manager, ret. P/Col.  Royima Garma at Napolcom Commissioner, ret. Col. Edilberto Leonardo dahil sa pagkakasangkot sa pagpatay kay dating PCSO Board Member Wesley Barayuga at sa tatlong detenidong Chinese sa Davao jail noong panahon ng Duterte administration.


Iyan na ang umpisa ng bad karma kina Garma at Leonardo dahil sa mga isinagawa raw nilang extrajudicial killings (EJK) noong sila ay nasa poder pa, period!

Comentarios


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page