top of page
Search
BULGAR

Mga madalas na bilhin ng Pinoy sa nakalipas na quarantine, alamin!

ni Thea Janica Teh | July 3, 2020




Sa halos 3 buwan nating pamamahinga sa bahay, kung ano-ano na ang naiisip nating gawin at kainin pampalipas-oras. Ito rin ang way natin para mawala ang stress sa lumolobong bilang ng nagpositibo sa COVID-19 sa bansa.


Kaya naman naglabas ang isang mobile app ng listahan ng mga bagay na madalas hinahanap at binibili ng mga Pinoy. Ano-ano nga ba ang mga ito?


DAMIT-PAMBAHAY- Dahil lagi tayong nasa work o nasa labas, hindi natin napansin na kakaunti lang pala ang damit nating pambahay. Kaya nang dumating ang quarantine, wala tayong maisuot.


COOKWARE- Sa mga mahihilig kumain sa labas, hindi natin napansin na wala pala tayong mga kaldero at sandok panluto. At dahil walang bukas na resto, naging bonding na rin ng mga Pinoy na magluto ng kanilang paboritong pagkain.


YOGA MATS/GYM EQUIPMENT- Dahil kahit na food is lyf tayong mga Pinoy, siyempre kinakailangan din na fit tayo. Kaya naman kahit sa loob ng bahay ay kinakailangang mag-exercise para makatulong din sa pag-boost n gating immune system.


MILKTEA/TAPIOCA- Syempre, ang all time favorite nating inumin, hindi dapat natin ma-miss! Maraming store ang naglalabas ng DIY milktea para kahit nasa bahay lang tayo, matitikman pa rin natin ang favorite nating milktea.


Iba talaga ang Pinoy pagdating sa paglibang. Kaya naman ugaliin na nasa bahay lang palagi at lalabas lang kung kinakailangan. Maging parte tayo ng pagpapalaganap sa pagligtas sa ating kalusugan.

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page