top of page
Search

Mga mambabatas, daan-daang ralista, arestado

BULGAR

ni Joy Repol Asis @Overseas News | July 15, 2023




Mahigit 300 katao kabilang ang mga mambabatas ang inaresto sa Kenya matapos ang naganap na marahas na kilos-protesta.


Una nang nanawagan si opposition leader Raila Odinga ng kilos-protesta laban sa gobyerno ni President William Ruto dahil sa pagtaas ng buwis at ang patuloy na pagtaas ng mga presyo ng bilihin.


Kaugnay nito, nagkasagupa ang mga ralista at pulis sa capital ng Kenya sa Nairobi matapos na ituloy ng gobyerno ang taas-presyo ng mga bilihin kahit na mayroong utos ang korte na pumipigil dito.


Inakusahan din nila ang mga kapulisan na gumamit ng puwersa at mga armas gaya ng tear gas kung saan ilang mga bata ang naapektuhan.


Ayon naman kay Interior Minister Kithure Kindiki, hindi nila papayagan na magkaroon ng kaguluhan sa kanilang bansa kaya inaresto nila ang ilang mambabatas na nagpasimuno ng protesta laban sa gobyerno.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page