top of page
Search
BULGAR

Mga lugar sa Metro Manila at Cavite mawawalan ng tubig

ni Lolet Abania | June 7, 2021



Inianunsiyo ng Maynilad Water Services, Inc. sa lahat ng kanilang mga kostumer ang posibleng service interruptions sa Metro Manila at Cavite ngayong linggo.


Sa mga advisories na nai-post sa social media account ng Maynilad, asahan nang makararanas ng low pressure o mahina hanggang sa walang supply ng tubig sa mga sumusunod na lugar:


Sa Caloocan City – Hunyo 7 (1 PM-9 PM), mahina hanggang sa walang supply ng tubig dahil sa mataas na demand ng tubig sa Bagbag Reservoir.


Ang mga apektadong lugar ay Barangay 6, 8, 10,11,12, 53, 54, 55, 77, 78, 80, 81, 83 to 99, 101, 102, 103, 105, 106, 107, 109 to 116, 122 to 136, 138 to 142, 144 to 147, 150, 151, 161, 164, Balingasa, at San Jose.


Sa Malabon City – Hunyo 7 (1 PM-9 PM), mahina hanggang sa walang supply ng tubig dahil sa mataas na demand ng tubig sa Bagbag Reservoir.


Ang mga apektadong lugar ay Barangay 161, Concepcion, Dampalit, Hulong Duhat, Ibaba, Longos, Maysilo, Panghulo, Potrero, San Agustin, Santolan, Tanong, at Tonsuya. Sa Parañaque City – Hunyo 7 (1 PM) hanggang Hunyo 8 (1 AM), mahina hanggang sa walang supply ng tubig dahil sa mataas na demand ng tubig sa Bagbag Reservoir.


Ang mga apektadong lugar ay Barangay BF Homes, BF International/CAA, at San Pedro. Sa Hunyo 9 (6 AM hanggang 9 PM), mayroong facility maintenance activity sa Putatan Water Treatment Plant 1.


Ang mga apektadong lugar ay BF Homes, Don Bosco (Aeropark, Dona Soledad Ext., Russia, Saudi Arabia), Marcelo Green (Sampaguita Ave., Marcelo Phase 8, San Antonio (along Dr. A. Santos, Goodwill 3, Soreena, Meliton), at San Martin De Porres.


Sa Hunyo 9 (4 PM) hanggang Hunyo 10 (12 midnight), magkakaroon ng facility maintenance activity sa Putatan Water Treatment Plant 1.


Ang mga apektadong lugar ay Don Bosco (Malacañang Subd., Remmanville Executive Subd., Sta. Magdalena St.), Marcelo Green (Remaining Barangay Marcelo Green areas along Marcelo Avenue), Merville, Moonwalk, San Antonio (San Antonio Valleys, Welcome Village), at San Isidro.


Sa Pasay City – Hunyo 9 (4 PM) hanggang Hunyo 10 (12 midnight), mayroong facility maintenance activity sa Putatan Water Treatment Plant 1.


Ang mga apektadong lugar ay Barangay 181 to 185, at 201. Sa Imus City – Hunyo 7 (3 PM) hanggang Hunyo 8 (5 AM), mahina hanggang sa walang supply ng tubig dahil sa mataas na demand ng tubig sa Aguinaldo Pumping Station.


Ang mga apektadong lugar ay Barangay Anabu II-C, Anabu II-C (south of Daanghari), Anabu II-E, Anabu II-F, Malagasang I-D to Malagasang I-F, Malagasang II-A to Malagasang II-D, Malagasang II-F, at Malagasang II-G.


Sa Hunyo 9 (10 PM) hanggang June 10 (3 AM), mahina hanggang sa walang supply ng tubig dahil sa network maintenance sa kahabaan ng Villa Nicasia.


Apektado ang Barangay Tanzang Luma II at ang mga lugar papuntang Villa Nicasia III, Better Life Subd. Kasalukuyang nagseserbisyo ang Maynilad sa mga kostumer sa west zone, kabilang ang mga lungsod ng Caloocan, Las Piñas, Makati, Malabon Manila, Muntinlupa, Navotas, Parañaque, Pasay, Quezon at Valenzuela, gayundin sa ilang lugar sa Cavite gaya ng Bacoor, Imus, Kawit, Noveleta at Rosario.



Kommentare


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page