ni Atty. Persida Rueda-Acosta @Magtanong Kay Attorney | Abril 1, 2024
Dear Chief Acosta,
Isa akong vape user at madalas ay dala-dala ko ang aking vape kahit saan ako pumunta. Nais ko lang malaman kung may mga specific ba na lugar kung saan hindi ko maaaring gamitin ang aking vape? Salamat sa inyong pagsagot. -- Call
Dear Call,
Ang sagot sa iyong katanungan ay matatagpuan sa Seksyon 15 ng Republic Act (R.A.) No. 11900, o mas kilala sa tawag na “Vaporized Nicotine and Non-Nicotine Products Regulation Act,” na nagsasaad na:
“Section 15. Use in Public Place. — The use of Vaporized Nicotine and Non-Nicotine Products shall be prohibited in all indoor public places except in DVAs, or in point-of-sale establishments for purposes of conducting product demonstrations.
The use of Vaporized Nicotine and Non-Nicotine Products shall be absolutely prohibited in the following public places:
(a) Centers of youth activity such as play schools, preparatory schools, elementary schools, high schools, colleges and universities, youth hostels and recreational facilities for persons under eighteen (18) years old;
(b) Elevators and stairwells;
(c) Locations in which fire hazards are present, including gas stations and storage areas for flammable liquids, gas explosives or combustible materials;
(d) Within the buildings and premises of public and private hospitals, medical, dental and optical clinics, health centers, nursing homes, dispensaries and laboratories;
(e) Public conveyances and public facilities including airport and ship terminals and train and bus stations, restaurants and conference halls, except for DVAs;
(f) Food preparation areas;
(g) Churches and other similar places where people congregate for worship; and
(h) Within the building and premises of government offices, except for DVAs.”
Malinaw ang nasabing probisyon ng batas. Ang paggamit ng mga vaporized nicotine at non-nicotine na produkto ay ipinagbabawal sa mga indoor public places maliban sa mga tinatawag na designated vaping areas (DVA). Karagdagan dito, lubos na ipinagbabawal ang paggamit ng mga nasabing produkto sa mga lugar kung saan may mga aktibidad na ginagawa ang mga bata tulad ng play schools, preparatory schools, elementary schools, high schools, colleges and universities, youth hostels at recreational facilities para sa mga tao na ang edad ay mas mababa sa 18 taong gulang; sa mga elevator at hagdanan; lugar na masasabing may mga kagamitan na fire hazards tulad ng gas stations; sa loob ng gusali ng mga pribado at pampubliko na hospitals, clinics, o health centers; sa loob ng mga pampublikong transportasyon; sa lugar kung saan isinasaayos ang pagkain; sa mga simbahan o katulad na lugar; at sa mga gusali ng government offices.
Kaya naman, hindi ka maaaring gumamit ng vaporized nicotine at non-nicotine na produkto sa mga nabanggit na lugar. Bilang user ng vape, nararapat na alamin ang mga lugar kung saan maaaring gumamit nito at ang mga lugar kung saan mahigpit na ipinagbabawal ang paggamit nito upang makaiwas sa legal na pananagutan na maaaring maipataw sa mga lalabag sa batas.
Sana ay nabigyan namin ng linaw ang iyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa mga impormasyon na iyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng iyong salaysay.
Maraming salamat sa iyong patuloy na pagtitiwala.
Comentários