top of page
Search
BULGAR

Mga local manufacturer ng mga PPEs, ‘wag nang patawan ng buwis

ni Imee Marcos - @Buking | July 29, 2020


Dahil sa patuloy na paglobo ng mga tinamaan ng COVID-19, mas nalalagay sa peligro ang kaligtasan at buhay ng ating mga healthcare workers lalo na ‘yung mga kulang ang personal protective equipment o PPEs. Nakakalokah!


Kaya mga friendship, Marso pa lang, itinutulak na nating bigyan ng pagkakataon ang mga lokal na manufacturer sa bansa o ‘yung garment industry sa ‘Pinas na mga PPEs na muna ang gawin.


Pero mga besh, dapat hindi na sila pagbayarin ng import duties sa mga raw materials at equipment, value added tax at iba pang bayarin na kinokolekta ng Bureau of Customs (BOC) at Food and Drug Administration (FDA) base na rin sa inihain nating Senate Bill 1708 o ang Health Care Manufacturing and Pandemic Protection Act.


Alam n’yo ba, mga besh, kapag naprayoridad natin ang mga local manufacturer, pang matagalang solusyon ito kontra sa pagdepende natin sa mga imported na PPEs at iba pang medical supplies. At hindi lang ‘yan, katiyakan din ito ng job security ng manufacturing sectors at sagot din ito sa kakulangan sa proteksiyon ng ating health care workers kontra sa virus.


Eh, di ba nga mga besh, nakakalerki naman talaga ang bilang ng dami ng nagpopositibo sa virus lalo ngayon na mahigit 80,000 na ang naitalang kaso, kaya lalong namemeligro ang buhay at proteksiyon ng ating healthcare workers na kapos sa PPEs. Eh, di ba nga dalawang beses nang nahinto operasyon ng RITM dahil nadale na rin ng virus ang mga tauhan nila? Juskoday!


Mabanggit rin natin, dapat kapag panahon ng health emergencies sa ‘Pinas, dapat prayoridad natin ang mga local manufacturers para hindi na kailangan pang bumili ng PPE at iba pang medical supplies sa ibang bansa pero of course, kailangan palakasin muna ang kanilang kapasidad ‘di ba?


At bukod d’yan, nasa panukala rin natin na bigyang-insentibo ang ating mga export manufacturer kahit pa karamihan sa mga medical supplies na pino-produce nila ay mapupunta sa Department of Health (DOH) at mga pribadong lokal na ospital. Agree?


Mga besh, kapag tinangkilik natin ang gawang Pinoy, mababawasan ang mga jobless at makakabangon ang ating ekonomiya. Palagi nating tangkilikin ang sariling atin, para makabangon tayo sa krisis na dulot ng COVID-19!

1 comment

1 comentario


Top Ajyal Architectural Contracting Est.
Top Ajyal Architectural Contracting Est.
30 jul 2020

Isoli ninyo yong ninakaw ninyo sa kaban ng bayan para hindi na patawan ng tax ang mga nagtitinda ng ppe. Kapal ng muka ninyo!

Me gusta

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page