top of page
Search

Mga kooperatiba sa Antique, tinutukan ng SSS

BULGAR

ni Fely Ng @Bulgarific | August 1, 2024


Hello, Bulgarians! Ipinahayag ng Social Security System (SSS) na mahigit 8,000 miyembro ng SSS ang maaari nang magbayad ng kanilang buwanang kontribusyon sa pamamagitan ng kani-kanilang mga kooperatiba matapos lumagda ang SSS ng partnership deal sa dalawang kooperatiba sa lalawigan ng Antique.



Sinabi ni SSS President at Chief Executive Officer Rolando Ledesma Macasaet na pumirma ang SSS ng isang kasunduan sa Belison at Hamtic Multi-Purpose Cooperatives (MPC) noong Hulyo 9 na magbibigay-daan sa kanila na tumanggap ng mga bayad ng kontribusyon at mapadali ang mga online transaction ng kanilang mga miyembro. 


Sa ilalim ng SSS Accreditation Program for Cooperatives, sinabi ni Macasaet na ang mga awtorisadong kooperatiba ay maaaring mangolekta at magpadala ng mga kontribusyon sa SSS at Employees’ Compensation (EC), at idinagdag na “ang kanilang mga miyembro ay maaari ring magbayad ng kanilang buwanang loan amortization sa pamamagitan ng pagsasaayos na ito”.


“Establishing durable partnerships with cooperatives is crucial in securing the active SSS membership of our members as well as in fulfilling member-borrowers’ responsibility to pay their monthly amortizations regularly,” pahayag ni Macasaet.


Bukod sa pagiging SSS collection partners, sila ay awtorisado rin na mag-facilitate ng mga piling transaksyon sa SSS tulad ng membership at My.SSS registrations, disbursement account enrollment, at online submission ng benefit at loan applications.


“In providing such assistance to its members, the cooperatives may claim a service fee of P6.00 from SSS for every processed and approved transaction,” dagdag pa ni Macasaet.


Ibinahagi rin niya na mahigit 2,000 miyembro ng coop na walang SSS membership, ang irerehistro na SSS member bilang bahagi ng kasunduan.


“It will give their members a more convenient way of conducting SSS transactions through Hamtic and Belison MPC. It will also help them save money because they no longer have to visit SSS Antique, which is approximately 8 to 16 kilometers away from their towns, for their SSS transactions,” pahayag ni Macasaet.


Idinagdag ni Macasaet na bukod sa Hamtic at Belison MPC, mayroong limang partner na kooperatiba sa Antique: DAO MPC, Barbaza MPC, Patnongon MPC, Pandan MPC, at Libertad MPC.


Bukod dito, si Macasaet at iba pang opisyal ng SSS ay nakipagpulong din sa mahigit 100 employer, barangay officials, self-employed member, at local media practitioners sa isang stakeholder’s forum na ginanap sa Eagles Place Hotel at tinalakay ang halaga ng membership ng SSS at update sa mga programa nito at mga serbisyo.


 

Para sa anumang impormasyon, opinyon, isyu o maging imbitasyon, mag-e-mail sa bulgarific@gmail.com o sumulat kay Ms. Bulgarific at ipadala sa Bulgar Bldg., 538 Quezon Avenue, Quezon City.

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page