ni Nancy Binay @Be Nice Tayo | August 11, 2024
Tuwing ika-9 ng Agosto, ipinagdiriwang natin ang Pandaigdigang Araw ng mga Katutubo.
Sa araw na ito, tayo ay nagbibigay pugay sa natatanging kultura at kontribusyon ng mga katutubong Pilipino sa ating lipunan.
Nagsisilbi rin itong paalala na ang ating mga katutubo ay may ginampanang mahalagang bahagi sa ating kasaysayan at pambansang pagkakakilanlan.
☻☻☻
Ngunit hindi lamang pagpupugay at pagdiriwang sa mayamang kultura ng Pilipinas ang ginagawa sa araw na ito.
Binibigyang pansin din sa araw na ito ang panawagan na protektahan ang mga tradisyon, karapatan, tirahan, at kaalaman ng ating mga katutubo.
Marapat lamang silang protektahan at ang kanilang karapatan ay igalang kasabay ng pagmamalaki sa kanilang mga naiambag sa kaunlaran ng ating lipunan.
☻☻☻
Habang isinusulat natin ang ating pitak, nadagdagan na naman ang bilang ng mga medalya na napanalunan ng ating mga atleta sa 2024 Paris Olympics.
Nakakataba ng puso na nakapag-uwi ng bronze sina Aira Villegas at Nesthy Petecio sa larangan ng boksing.
Sa kasalukuyan, nakakaapat na medalya na ang Pilipinas, kasama ang dalawang gintong medalya ni Carlos Yulo.
Maraming salamat sa lahat ng atletang Pinoy na lumahok sa Paris Olympics at ipinagmamalaki namin kayo sa buong mundo. Mabuhay!
☻☻☻
Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BE NICE TAYO ni Sen. Nancy Binay, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa benicetayo.gmail.com.
Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran. Always Be Nice!
FOLLOW US! Facebook: www.facebook.com/SenatorNancyBinay Twitter: www.twitter.com/SenatorBinay @SenatorBinay Instagram: @SenatorNancyBinay
Comentários