ni Nitz Miralles - @Bida | June 15, 2022
May mga hindi pabor sa ipinahayag ni Senator-elect Robin Padilla na makikipagdebate siya sa Senado sa wikang Tagalog.
Sabi ni Robin, “Ah, oo, makikipagdebate ako, pero Tagalog. Eh, una, hindi naman Amerikano ‘yung mga kaharap ko, alangang mag-English ako. Siguro, kung Amerikano, well, I’m willing to debate, pero mag-Tagalog sila.”
May nag-react na nakasaad sa Constitution na English ang official language ng Pilipinas dahil hindi raw lahat ng Filipino ay marunong mag-Tagalog.
Pero may kumontra dahil ang nakasaad daw sa Saligang Batas, dapat ay isinusulong ang paggamit ng Pilipino o Tagalog bilang medium ng opisyal na komunikasyon sa gobyerno, edukasyon at iba pa.
Kung may kumontra sa pahayag na ito ni Robin, mas marami naman ang pumabor. Mas madali raw maintindihan kapag Tagalog ang ginamit sa debate.
Naging daan ito para magdebate ang mga followers at non-followers ni Robin sa Facebook.
Sa mga na-elect na senador, si Robin ang maraming isyu at siguradong kapag may sesyon na sa Senado, mas siya ang babantayan hindi lang ng media, kundi pati ng mga kapwa senador at netizens, bumoto man o hindi sa kanya.
Comments