top of page
Search

Mga kandidatong puro pramis ng mga imposibleng matupad, ibasura sa eleksyon

BULGAR

ni Pablo Hernandez @Prangkahan | Mar. 18, 2025



Prangkahan ni Pablo Hernandez

SIGURADONG ‘DINAGA’ SI SEN. DELA ROSA SA STATEMENT NG MALACAÑANG NA DADAKPIN SIYA KAPAG MAY WARRANT OF ARREST NA --Sinabi ng Malacañang na kapag nag-isyu na rin ng warrant of arrest ang International Criminal Court (ICC) laban kay Sen. Ronald dela Rosa, na isa sa akusado sa crimes against humanity at ipapatupad ng Marcos administration, isisilbi ito ng Philippine National Police (PNP) para dakpin ang senador at i-turnover ito sa Interpol para makulong din sa ICC Jail sa The Hague, Netherlands.


Hindi man aminin ay siguradong “dinaga” at kinabahan sa isyung ito si Sen. Dela Rosa, boom!


XXX


NAPAGHAHALATA SI SEN. CAYETANO NA KABADO SA ICC -- Ayon kay Sen. Alan Cayetano, bago maisakatuparan ang anumang foreign warrants ay dapat daw dumaan muna ito sa lokal na hukuman.


Mula nang dakpin si ex-P-Duterte at ikulong sa ICC jail ay sunud-sunod na ang statement at pagpapaliwanag ni Cayetano sa mga dapat gawin ng gobyerno kapag may foreign warrants.


Napaghahalata siyang kabado rin kasi isa pala siya sa idinawit nina former Senators Leila de Lima at Antonio Trillanes na kumunsinti sa extra judicial killings (EJK) noong Dept. of Foreign Affairs (DFA) secretary pa ang senador, period!


XXX


LAKAS NG LOOB NI ENRILE NA TIRAHIN SI EX-P-DUTERTE PERO SA KASAGSAGAN NG BLOODY DRUG WAR NOON ‘NGANGA’ LANG SIYA -- Sinabi ni Presidential Legal Counsel Sec. Juan Ponce Enrile na ang mga pinaghihinalaang kriminal daw ay sakop ng due process dahil ito raw ang nakasaad sa Bill of Rights ng Konstitusyon.


Bagama’t walang pinangalanan ay waring patama ito ni Enrile kay ex-P-Duterte kasi sa panahon ng Duterte admin ay kaliwa’t kanang pagpatay sa mga pinaghihinalaang kriminal ang naganap sa bansa.


Lakas ng loob ngayon ni Enrile na “patamaan” nang ganyang statement si ex-P-Duterte porke nakasandal siya ngayon kay PBBM, pero noong panahon ng Duterte admin, sa kasagsagan ng bloody drug war sa ‘Pinas, “nganga” lang siya, boom!


XXX


IBASURA SA ELEKSYON ANG MGA KANDIDATONG MANGANGAKO NG MGA IMPOSIBLENG MATUPAD -- Pinag-aaralan daw ni Sec. Francisco Tiu Laurel ng Dept. of Agriculture (DA) na ibaba sa P45 ang per kilo ng bigas sa merkado.

Ganu’n! P45 per kilo eh mataas pa rin ang ganyang presyo ng bigas.


Talagang hirap na hirap pa rin ang Marcos admin ipatupad ang P20 per kilo ng bigas na campaign promise ni Pres. Bongbong Marcos (PBBM) noong 2022 presidential election.

Kaya panawagan natin sa mga botante, ibasura sa eleksyon ang mga kandidatong nangangako ng mga imposibleng mangyari, period!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page