by Info @Editorial | Feb. 18, 2025

Sa kabila ng patuloy na tunggalian sa pulitika, hindi dapat kalimutan ang tunay na pangangailangan ng mga mamamayan.
Lalo na ngayon, na sa kabila ng abalang pangangampanya at mga pangako ng mga kandidato, patuloy ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin.
Ang presyo ng mga pangunahing produkto tulad ng bigas, gulay, karne, at iba pang pagkain ay patuloy na tumataas. Ang mga pamilyang mababa ang kita ay labis na naaapektuhan nito.
Habang ang mga isyung pampulitika ay nananatiling sentro ng mga talakayan sa bansa, tila ba nakakalimutan ng mga kandidato ang mga pangakong magbibigay-lunas sa araw-araw na pangangailangan ng mga tao.
Bilang mga lider, mahalaga ang pagpapakita ng malasakit sa mga mamamayan sa pamamagitan ng mga konkretong hakbang upang matugunan ang krisis sa presyo ng mga bilihin.
Hindi sapat na magbigay ng mga pangako lamang, kailangan ng solusyon at aksyon. Hindi tayo dapat maghintay na lumala pa ang sitwasyon bago kumilos.
Ang mga mamamayan ay hindi naghahanap ng mga panandaliang solusyon, kundi ng mga hakbang na magbibigay ng tunay na pagbabago at ginhawa sa pang-araw-araw na pamumuhay.
Comments