ni Ronalyn Seminiano Reonico | January 21, 2021
Inihahanda na ang COVID-19 vaccines storage facilities sa San Juan kung saan pinag-aaralang gawing vaccination center ang mga eskuwelahan ngunit ang gymnasium ang magsisilbing primary center para sa mga residente ng naturang lugar, ayon kay Mayor Francis Zamora.
Pahayag ni Zamora, "Handang-handa na po ang San Juan City para sa pagdating ng bakuna. Katunayan, maaga ho kaming nagsimula at noong Disyembre ho kasi, binanggit sa amin ng Inter-Agency Task Force (IATF) na posibleng pagdating nga nitong taon ay magsisimula na.
"These are refrigerators that can handle two to eight degrees celsius. 'Yan po ang temperatura na kinakailangan ng AstraZeneca.”
Aniya pa, "We can also utilize our barangay facilities, pati ho ang public schools natin, puwedeng gamitin. So, depende ho talaga 'yan sa magiging final count natin.”
Samantala, plano rin ng San Juan government na mag-rent ng mga refrigerators para sa Pfizer COVID-19 vaccines.
Saad ni Zamora, "Magre-rent lang po kami at may mga kausap na po tayo. ‘Pag sinabi po ng national government na okay, good to go na po ang Pfizer para sa San Juan, then we'll have these rented freezers brought here that will allow us to store the Pfizer vaccines at -7 degree celsius.”
Comments