top of page
Search
BULGAR

Mga isinusuot, inaabangan ng mga rich… HEART, QUEEN OF FASHION

ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | September 28, 2024



Doc Willie Ong at Jessica Sojo - KMJS

Habang tumatagal ay pataas nang pataas ang level (or shall we say, premium?) ng pagiging global icon ni Heart Evangelista.


Bongga ang mga rampa niya sa Milan Fashion Week (MFW) at sa Paris Fashion Week (PFW).


Umawra-awra siya para sa Versace at Dolce & Gabbana, kung saan nandu’n din si Madonna. At super-bongga ng mga isinuot niya na tiyak na mahal ang presyo.


At ngayon, mukhang dahil kay Heart ay naging familiar na ang lahat sa mga luxury brands. Maraming mga Pinoy daw na mapepera ang laging nag-aabang sa mga isinusuot niya at saka nagpapabili sa mga online sellers.


Kaya naman, dapat magpasalamat ang mga luxury brands kay Heart dahil hindi lang sa bansa nagkaroon ng awareness ang mga items nila, kundi ganu’n din sa iba pang bansa sa Asia.


No wonder, ang daming endorsements ni Heart Evangelista ngayon at siya na talaga ang Queen of Fashion.


 

KALIWA’T KANAN na pasabog ang tinutukan ng mga manonood sa mas umiigting na mga rebelasyon sa kontrobersiyal na buhay ni Rafael (Piolo Pascual) sa ABS-CBN teleseryeng Pamilya Sagrado (PS) ngayong linggo.


Nagkaroon ng major plot twist sa serye matapos bumitiw bilang presidente si Rafael at inaming inosente si Moises (Kyle Echarri) sa mga krimeng ibinibintang sa kanya. Pero hindi pa pala makakamit ni Rafael ang tinatamasa niyang mapayapang buhay dahil nalaman niyang bago patayin si Cristine (Bela Padilla), ang kabit niya noon na labis niyang minahal ay nanganak ilang buwan bago ang krimen.


Dahil sa kaso ni Cristine, maaaring maging daan ito sa pagdiskubre ni Rafael sa katotohanang magbabago sa kanyang buhay — na si Moises pala ang anak niya kay Cristine.


Magdudulot naman ito ng mas malaking sigalot sa pamilya Sagrado dahil titindi ang selos ni Justin (Grae Fernandez) kay Moises at magiging marahas si Jaime (Tirso Cruz III) laban kay Rafael para mapanatili ang kanyang kapangyarihan sa pulitika. 


Mapapanood ang PS mula Lunes hanggang Biyernes, 9:30 PM, sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, Kapamilya Online Live, at TFC. 


Napapanood din ang mas maikling mga episodes tampok ang pinakamaiinit na eksena sa Pamilya Sagrado Fast Cuts sa ABS-CBN Entertainment YouTube (YT) channel.


 

LAST September 26, 2024, nagsama-sama ang main cast ng Zoomers na sina Harvey Bautista, Krystl Ball, Ralph de Leon, Luke Alford, and Criza Taa at creative producer na si Direk Theodore Boborol para sa Star Magic’s Spotlight presscon. 


Pinarangalan ang digital youth-oriented series bilang ‘Best Asian Short-Form Drama/Series’ sa ContentAsia Awards sa Taipei, Taiwan at personal na tinanggap ng creative director ng Zoomers na si Direk Boborol ang nasabing parangal. 


“Who would have thought! Kasi we’re supposedly just an online show and mga baguhan. And then biglang Best Asian Short-Form series. I feel pride for the creative team, for the directors and the cast and I’m hoping na ‘yung award na ‘yan, it will inspire them, na there is no small project or big project. Just put your heart into it, mapapansin ka at mapapansin ka,” ibinahagi ni Direk Theodore. 


Mapapanood sa Zoomers ang mix ng bago at familiar faces na mga teen actors. Isa na rito si Harvey Bautista na kilala mula sa Goin’ Bulilit (GB) hanggang sa kanyang special role sa Pamilya Sagrado (PS) at appearance sa High Street (HS). Gumaganap si Harvey bilang Jiggs sa series na Zoomers.


“I’m very proud of this cast and for me it's still very overwhelming. It’s still very scary for me getting all the attention na I’m not used to it. But I’m still grateful for the opportunities that have come for me this year,” sey ni Harvey.


Acting debut ni Krystl Ball na gumanap bilang ‘Tania’ na parte ng isang girls’ love storyline kasama ang kanyang fellow Star Magic artist na si Kei Kurosawa.


“I was struggling talaga with the script, everything, nagpatulong ako sa mga classmates ko kasi I have no experience at all but of course, I saw my improvements with my Tagalog, acting, facial expression. I’m hoping for my next project na I’ll be more confident and hopefully, I get to play roles other than what I played in Zoomers,” sagot ni Krystl. 


Ipinakilala rin ng Zoomers si Ralph de Leon, isang multi-talented athlete, host, at actor na ginagampanan ang character na si ‘Atom.’ Napanood din siya sa HS, kung saan ang kanyang character ay kasama sa love triangle na parte ang character ni Xyriel Manabat.

Isa rin sa main cast si Luke Alford bilang si ‘Kokoy’ na una nating nakilala sa The Voice Kids (TVK) at PBB: Kumunity Season 10, gayundin ang actress- influencer at dating PBB housemate na si Criza.                            


Makikita ang talent at dedication ng team ng Zoomers, mapa-likod o harap man ng camera. Patunay ito na nararapat sila sa pagkapanalo ng international award at marami pang dapat abangan sa lahat ng cast.

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page