top of page
Search

Mga ina at sanggol, may dagdag benepisyo para sa kalusugan at nutrisyon

BULGAR

ni Nancy Binay @Be Nice Tayo | Jan. 26, 2025



Be Nice Tayo ni Nancy Binay

Ngayong buwan ay inilabas na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang bagong guidelines para sa implementasyon ng First 1,000 Days (F1KD) ng conditional cash grant ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).


Ang bagong guidelines ay nakasaad sa Memorandum Circular (MC) No. 1 series of 2025 na nilagdaan ni Secretary Rex Gatchalian nitong January 6.


Layon ng 4Ps F1KD cash grant na mabigyang pansin ang essential health at nutrition expenses ng ina at anak nito sa unang 1,000 araw ng pagdadalantao o pagbubuntis.


Upang matiyak ang kapakanan ng ina at sanggol na benepisyaryo ng programang ito, nagbigay ang DSWD ng kondisyon na kailangang sundin batay sa Republic Act No. 11148 o Kalusugan at Nutrisyon ng Mag-Nanay Act at existing protocols na ipinapatupad ng Department of Health (DOH).


Kabilang sa mga kondisyon ay ang pre-natal services sa mga DOH-accredited health facilities, tracking pregnancy at receiving ante-natal care services, panganganak sa isang DOH accredited health facility, pagdalo sa post-natal visits, pagsama sa mga counseling sessions, at pag-inom ng mga micronutrient supplements kabilang ang bakuna.


☻☻☻


Bilang co-author ng Republic Act 11148 o ang “Kalusugan at Nutrisyon ng Mag-Nanay Act” ay natutuwa tayo sa programang ito ng DSWD.


Nakasaad kasi sa programa na magkakaroon ng dagdag na monthly health grants na nagkakahalaga ng Php350 para sa buntis na 4Ps beneficiaries at may anak na nasa edad mula 0 hanggang 2 years old.


Sa tulong nito, mabibigyan na ng prayoridad ang kalusugan ng mga pre-pregnant, pregnant at lactating na mga ina, mga sanggol at mga bata.


Bukod dito, malaking tulong din ang programang ito sa laban kontra stunting at malnutrition.


Ang 4Ps F1KD ay inaasahang ipapatupad ngayong Enero.


☻☻☻


Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BE NICE TAYO ni Sen. Nancy Binay, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa benicetayo.gmail.com.


Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran. Always Be Nice!

FOLLOW US!  Facebook: www.facebook.com/SenatorNancyBinay Twitter: www.twitter.com/SenatorBinay @SenatorBinay Instagram: @SenatorNancyBinay

Recent Posts

See All

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page