ni Dr. Shane Ludovice - @Sabi ni Dok | October 25, 2020
Dear Doc. Shane,
Maaari ba ninyong talakayin kung ano ang mga bawal o hindi dapat kainin kapag mataas ang triglycerides? – Anton
Sagot
Ano ang dapat gawin kapag mataas ang triglycerides?
◘ Kung overweight, magbawas ng timbang
◘ Sikaping magkaroon ng sapat na ehersisyo
◘ Umiwas sa mga pagkaing maraming carbohydrates
◘ Kung mas mataas na sa 500 mg/dL ang triglycerides, umiwas sa red meat, butter, pritong pagkain, keso, mantika at nuts
◘ Limitahan ang pag-inom ng alak
◘ Kung ang triglycerides ay 500 mg/dL na pataas ay bawal nang uminom ng alcohol.
Hindi lahat ng tao na may mataas na triglycerides ay kailangang uminom ng gamot. Magpakonsulta muna sa doktor upang mabigyan ng karagdagan at mas angkop na gabay. Ang mga gamot na puwedeng ibigay sa mga may mataas na triglycerides ay ang fenofibrate o EPA/DHA. Kadalasan ang mga taong may mataas na triglycerides ay may mataas na kolesterol din kaya nareresetahan ng statin, para bumaba ang peligro na atakihin sa puso o ma-stroke.
Comments