top of page
Search
BULGAR

Mga hindi bakunado bawal na sa mga mall at establisimyento sa Cebu City

ni Jasmin Joy Evangelista | January 21, 2022



Hindi na papayagang makapasok sa mga shopping mall at iba pang indoor establishments ang mga hindi bakunado sa Cebu City simula ngayong linggo.


Ang “no vaccination, no entry” policy ayon sa Executive Order No. 157 ni Mayor Michael Rama ay naglalaman ng kautusang magpakita ng vaccination cards ng mga indibidwal na papasok sa mga establisimyento.


Ang mga batang edad 11 pababa naman ay hindi papayagang makapasok sa mall, habang ang mga 12-17 years old naman ay papayagan lamang kung sila ay fully vaccinated at may kasamang fully vaccinated din.


“The devastating impact of Typhoon ‘Odette’ (international name: Rai) and the continuing threat of COVID-19 have given rise to the need to adopt a unified and collaborative approach for the health and economic recovery [in the city],” ani Rama.


Ang mga establisimyentong lalabag sa kautusan ay babawian ng business permits at pagmumultahin.


Ang curfew para sa mga menor de edad ay mula 10 p.m. hanggang 4 a.m. Para sa mga nonessential or nonwork-related travels, ang curfew ay mula 11 p.m. hanggang 4 a.m.

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page