top of page
Search
BULGAR

Mga hakbang para sa COVID-proof na 2022 elections, paspasan na!

ni Imee Marcos - @Imeesolusyon | July 19, 2021



Kaunting kembot na lang ay eleksiyon 2022. Ilang buwan na lang October na at maghahain na ng kandidatura para sa mga posisyong national at local.


Ngayong may pandemya, hoping tayo na hindi nito maudlot at hindi maging magulo ang halalan, o malagay sa peligro ang lahat ng mga kandidato at botante.


Maraming kinahaharap na hamon ang Comelec ngayon dahil nga sa iba’t ibang patakaran ng bawat LGUs ngayong may pandemya. ‘Wag naman sanang maging dahilan ang mga ito para magkaaberya ang botohan.


Unang-una, sa kampanya pa lang, hindi pa batid kung paano ang magiging sistema dahil wala nang rally-rally ng libu-libo. Singkuwenta katao lang ang papayagan, limitado na ang lahat.


Kombinasyon na ngayon ng face-to-face at online campaigning. As in, bawal na ang beso-beso, halik sa mga bata at pakikipagkamay.


Well, kailangan habang may natitira pang panahon, bilisan na lalo ng ating komisyon ang pagkakasa sa lahat ng mga dapat na gawing guidelines para iwas sa hawaan. Ganitong gipit na tayo halos lahat sa oras, IMEEsolusyon ang pinu-push nating ilang hakbang para sa COVID-proofing, ‘ika nga, ng election.


At kabilang nga dyan ang inaasahan natin na agarang pagpapasa ng early voting bill sa pagbabalik ng sesyon sa Senado nitong Hulyo kung saan mauuna ang mga senior citizen, PWDs, buntis at katutubo sa pagboto.


Ikalawang IMEEsolusyon, lahat ng LGUs, ilatag na ang kani-kanilang guidelines para sa COVID-proof elections at baka naman puwedeng isumite na nila ito sa kinauukulan para naman hindi na mangapa ang bawat kandidato at mga botante sa mga dapat gawin sa campaign period pa lang.


Ikatlong IMEEsolusyon, ang kooperasyon at pagtutulungan ng lahat para maging ligtas tayo sa virus. Kumpiansa naman tayo na tulad sa naging plebisito sa Palawan, um-okey naman ito at naka-survive sa gitna ng pandemya. Tayong mga Pinoy pa ba? Keri natin ito!

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page