top of page
Search

Mga hakbang para mapalawak ang kaalaman sa pagsasalita at pagsusulat nang ingles

BULGAR

ni Loraine Fuasan @Life & Style | March 19, 2023





Sa malawak na hanay ng mga industriya, kabilang ang computer coding, international business, at higher education, ang modernong Ingles ay itinuturing na pangkaraniwang lengguwahe sa mundo.


Ang Ingles ang pinakagamit na wika sa 67 bansa at 27 non-sovereign entity sa buong mundo, kabilang ang mga katutubo at hindi katutubo. Tulad ng Latin o Griyego, ang Ingles ay naging karaniwang wika sa buong mundo.


Ang Estados Unidos at India ang may pinakamaraming nagsasalita ng Ingles, kung saan pumapatak na 283 milyon sa U.S, at 125 milyon naman sa huli. Sumunod ang Pakistan na may 108 milyon, 79 milyon sa Nigeria, at 64 milyon naman sa Pilipinas.


Gayunman, alam natin na hindi lahat ng Pilipino ay mahusay magsalita at magsulat nang Ingles.


May mga ilan na marunong magsulat, ngunit hindi kayang makipag-usap gamit ang naturang wika. Kaya ito ang mga tips upang matutong mag-Ingles:

1. SANAYIN ANG SARILI NA MAGSALITA NANG INGLES. Ang pagsisikap na matuto ay paraan para mas mahasa pa ang ating utak at masanay tayong mag-Ingles. Gayundin, sanayin ang sarili na makipag-usap gamit ang naturang wika.


2. GUMAMIT NG APPS SA PAGTUKLAS NG MGA SALITA NA KAILANGANG ISALIN SA SALITANG INGLES. Ito ang paraan upang mapadali ang paghahanap ng mga salitang hindi na kayang isalin sa Ingles. Maraming magagamit na apps sa pag-aaral, at piliin ang pinakamagandang uri nito para sa iyong sariling mga paraan sa pag-aaral ng wikang Ingles.

3. PAG-ARALAN KUNG PAANO BIGKASIN ANG BAWAT SALITA NA SASABIHIN. Sa pag-aaral ng Ingles, hindi lang kailangang matuto kung paano magsalita at magsulat gamit ang wikang ito kundi kakailanganin mo ring pag-aralan kung paano bigkasin ang mga salita na iyong natutunan. Sa ganitong paraan, mas mauunawaan ka ng iyong kausap at hindi ka pagtatawanan ng iba na mas marunong sa iyo.


4.UNAWAIN ANG BUONG PANGUNGUSAP. Kailangan mong alamin kung naiitindihan ng kausap mo ang iyong sasabihin, lalo na kung ito ay buong pangungusap, hindi lang ang isang salita. Kung hindi mo pag-aaralan ang iyong sasabihin o isusulat, hindi ito maiitindihan ng iba at mababalewala ang lahat. Ang tamang pagbigkas ng bawat salita ay nakakatulong bumuo ng pangungusap nang walang pag-aalinlangan.


5. MANOOD NG MGA PALABAS NA MAY ENGLISH SUBTITLE. Manood ng mga palabas na Ingles at pag-aralan ito. Makakatulong ito na sanayin ang ating sarili sa pagsasalita at pagsusulat nang Ingles tulad ng mga tamang pagbigkas ng mga salita at tamang pagbuo ng mga pangungusap.


Ang mga hakbang na ito ay simula pa lamang para maitama ang mga salita at pagbigkas, makakatulong din talaga ang mga ito na matuto ang mga Pilipino sa wikang Ingles. Mas magandang gamitin ang Ingles bilang midyum ng pagtuturo dahil mas maipapaliwanag ang mga ideya at konsepto sa mas madaling paraan, sapagkat karamihan sa mga Pilipino ay madalas ng gumagamit ng internet, na ang lingguwahe ay Ingles.


0 comments

Comentários


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page