ni Eli San Miguel - Trainee @News | December 12, 2023
Sinabi ng Department of Science and Technology (DOST) ngayong Martes, na kailangang ipagpatuloy ang pagpapatibay ng mga bahay at gusali na itinayo ilang taon na ang nakakaraan upang mabawasan ang posibleng bilang ng mga madidisgrasya mula sa mga lindol.
"We need to strengthen our building preparedness, and that is where the solution would lie on the potential number of casualty – kailangang patibayin para kumonti pa ang maapektuhan," pahayag ni DOST Secretary Renato Solidum Jr.
Sinabi rin ni Solidum na kailangan ng patuloy na kampanya sa impormasyon dahil kailangan din magkaroon ng kaalaman ng mga kabataan.
Samantala, ipinaliwanag ni Solidum na ang bilang ng lindol na yumanig sa bansa noong 2023 ay lumagpas sa bilang ng lindol na naranasan dahil sa mga aftershocks.
"If you count the aftershocks, yes. But there are sometimes years where we have major earthquake events, and major earthquake events would trigger a lot of aftershocks," aniya.
Bukod dito, sinabi rin ni Solidum na epekto ng lindol ang mahalagang usapin, na binigyang diin ang mga pagyanig sa Mindanao na hindi nagdulot ng "significant casualties.”
Comments