ni Eli San Miguel - Trainee @News | March 7, 2024
Kinontra ng grupo ng mga guro ang implementasyon ng Department of Education (DepEd) sa "Catch-up Fridays," na naglalayong maglaan ng isang araw mula sa school week upang mapagbuti ang kasanayan sa pagbasa ng mga mag-aaral sa Pilipinas, pati na rin ang kanilang kakayahang pang-akademiko.
Matapos ang higit isang buwan ng pagpapatupad nito sa lahat ng pampublikong paaralan sa buong bansa, sinabi ng Alliance of Concerned Teachers (ACT) na ibinibigay nito sa mga guro ang pinakamabigat na pasanin ng karagdagang trabaho sa paghahanda at pagpapatupad ng mga Catch-up Fridays.
"Due to the lack or insufficiency of books or materials, teachers are forced to spend on photocopying reading materials," pahayag ng ACT.
"Instead of regular classes during this time and preparing for upcoming exams, schools were transformed into Reading Hubs every Friday, with teachers solely focused on reading activities. Regular classes were suspended," dagdag ng grupo.
Sinabi ng ACT na dapat naaayon sa indibidwal na pangangailangan ng bawat mag-aaral ang mga programa ng DepEd upang tulungan ang mga estudyante na mas mapabuti ang kanilang pag-aaral.
"Therefore, Catch-Up Fridays should be halted, and consultations should precede any further action," dagdag pa nito.
Commentaires