top of page
Search
BULGAR

Mga fans, nagwawala raw… KANTA NG AEGIS, AYAW NANG PATUGTUGIN SA BAR

ni Janiz Navida @Showbiz Special | Jan. 13, 2025



Photo: Aegis - SS from video / CB


Malaking kawalan ang pagpanaw ng isa sa members ng Aegis Band na si Mercy Sunot. 

Aminado ang magkapatid na Juliet at Ken Sunot, maging ang iba pang miyembro ng legendary band na sina Rowena Pinpin, Vilma Goloviogo at Rey Abenoja na napilayan sila sa biglaan at hindi inaasahang pagkamatay ni Mercy noong Nov. 18, 2024 sa USA dahil sa sakit nito.


Emosyonal nga ang Aegis sa ginanap na mediacon nila para sa kanilang upcoming Valentine concert titled Halik sa Ulan: A Valentine Special na magaganap sa Feb. 1 and 2 sa New Frontier Theater dahil mami-miss nga raw nila at maninibago sila na hindi na nila kasama si Mercy.


Kaya asahan nang bukod sa pagbirit ng Aegis ay babaha rin ng luha sa concert habang kinakanta nila ang kanilang mga pinasikat na kanta tulad ng Luha, Halik, Basang-Basa sa Ulan at iba pa.


At baka nga pati ang kanilang mga guests tulad nina Julie Anne San Jose, Morissette atbp. ay makiiyak din.


Anyway, tinanong namin ang Aegis Band kung may balak ba silang palitan si Mercy sa kanilang grupo since may mga kumakalat na kinokonsidera raw si Lyka Gairanod para mapasama sa kanila.


Sina Juliet at Ken ang sumagot na wala silang balak palitan si Mercy at wala raw makakapalit dito na sinuman.


Nakakatawa naman ang kuwento ni Vilma Goloviogo nang matanong kung na-reject na rin daw ba ang grupo lalo na nu’ng nag-uumpisa pa lang sila.


Aniya, may time raw na ayaw nang patugtugin sa isang bar ang mga kanta ng Aegis dahil sobrang wild na ng mga fans at nambabato kapag may request silang hindi pinagbibigyan.


Ganu'n kalakas ang grupo na hanggang ngayon, kahit marami nang bagong bandang sumikat, hindi nalalaos ang Aegis, maging ang kanilang mga kanta.


Kaya sa mga fans ng Aegis, don't miss the chance na muli silang mapanood sa kanilang Valentine concert na Halik sa Ulan mula sa direksiyon ni Frank Lloyd Mamaril.


 

Wais ang style…

MOVIE NI VICE, PROMO NG PARTYLIST





May konek pala ang 50th MMFF movie ni Vice Ganda na And The Breadwinner Is… sa kanyang ineendorsong partylist, ang Angkasangga Partylist.


Nagpahayag ng buong suporta si Vice Ganda sa adbokasiya ng Angkasangga na itaguyod ang kapakanan ng mga breadwinner, lalo na sa informal sector.


Sa isang rally na dinaluhan ng 4,000 katao sa Ninoy Aquino Stadium sa Malate, Maynila, pinuri ni Vice Ganda ang first nominee ng Angkasangga na si Angkas CEO George Royeca, sa kanyang dedikasyon sa pagprotekta sa mga manggagawa ng bansa.


Bukod sa kapakanan ng mga breadwinner, nais din ng Angkasangga na tugunan ang mahahalagang isyu tulad ng pampublikong transportasyon, paglikha ng trabaho, at proteksiyon ng mga manggagawa.


Just wondering kung nagpabayad kaya si Vice Ganda sa pag-eendorso nito o kusang-loob lang niya ito dahil sa paniniwala sa advocacy ng Angkasangga?


 

Tinanghal na pangulo ng Philippine Movie Press Club (PMPC) Star Awards sa taong 2025 si Mell Navarro ng Tempo, PEP, Manila Bulletin, Pinoy Entertainment Guide (FB) matapos ang idinaos na taunang halalan nu'ng Biyernes sa tanggapan ng PMPC sa QC.


Si Fernan "Ms. F" de Guzman naman ang inilagay ng may 37-voting members bilang bagong bise-presidente ng samahan.


Si Jimi Escala ang 'waging Secretary, Online; Assistant Secretary-Mildred Bacud, Online; Treasurer-Boy Romero, Assistant Treasurer-John Fontanilla, Auditor-Rodel Fernando, PRO for English-Eric Borromeo, Online (Editor) for Filipino-Blessie Cirera.


Ang bumubuo naman ng Board of Directors ay sina Roldan Castro, Evelyn Diao, Leony Garcia, Rommel Gonzales, Rommel Placente, at Francis Simeon.


Sa nakalipas na 40 taon, kinikilala ng PMPC at ipinagdiriwang ang kahusayan sa industriya ng pelikula, telebisyon at musika sa Pilipinas sa pamamagitan ng tatlong taunang okasyon, ang Star Awards for Movies, Television at Music.


Nakasentro ang PMPC sa paghahatid ng mga pinakabago at sariwang balitang showbiz sa iba't ibang uri ng plataporma.


Sa kasalukuyang pamamalakad ng bagong pamunuan, nakatuon ang PMPC sa lalo pang pamamayagpag at pagpapatuloy ng adhikain nitong itaas ang antas ng showbiz industry.

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page