ni Lolet Abania | March 15, 2021
Nadagdagan ang pinapayagan na nasa labas sa kabila ng ipinatutupad na unified curfew sa Metro Manila upang mapigilan ang pagtaas ng COVID-19 sa naturang rehiyon.
Ngayong Lunes, sinimulan ang curfew ng alas-10:00 ng gabi hanggang alas-5:00 ng umaga, kung saan karamihan ay dapat na nasa loob na ng bahay.
Gayunman, may mga pinayagan na mga empleyado at services na mag-operate kahit pa abutin ng curfew hours.
Ayon sa Philippine National Police, exempted sa unified curfew ang mga sumusunod:
• medical practitioners
• nurses
• ambulance drivers
• workers at medical facilities
• ang mga kasama at katuwang sa medical emergencies
• drivers ng sasakyang nagdadala ng essential goods at mga produkto
• owners, vendors, o delivery personnel ng essential goods
• private employees gaya ng call center agents
• construction workers
• media practitioners
• ang mga papunta o nanggaling sa airport
• drivers ng private transportation gaya ng shuttle services
• miyembro ng law enforcement agencies (militar, Philippine Coast Guard, Bureau of Fire Protection at iba pang emergency responders)
• security guards
• mga empleyado ng fast food services (take out only) Una nang nai-report na mananatiling bukas kahit may curfew ang mga market delivery, market bagsakan, food take-out at delivery, mga botika, ospital, convenience stores, delivery ng goods, business process outsourcing (BPO) firms at katulad na negosyo.
Ayon naman kay Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Benjamin Abalos Jr., ang kaukulang penalties para sa mga lalabag sa curfew ay depende sa ordinansa ng kani-kanilang local government units (LGUs).
Comments