top of page
Search
BULGAR

Mga empleyado ng BPO, nakararanas ng hindi patas na pagtrato sa mga switik na kumpanya, ‘kalokah!

ni Imee Marcos - @Buking | July 3, 2020


May krisis man o wala, walang kupas ang ilang abusadong kumpanyang sa kanilang mga empleyado lalo na sa hanay ng mga call center! ‘Kalokah!


Ewan ko na mga frennie, alam naman ng mga kumpanya na may krisis ngayon dahil sa COVID-19, pero dedma sila sa sitwasyon ng kanilang mga tauhan, eh, umiiral pa rin ang pagiging buwitreng negosyante! Maraming empleyado ngayon ang nasa floating status, balita ko six months silang ganyan. Grabe!


Kaya naman, mga besh, pakiramdam ng mga empleyadong naka-floating status, sinadya iyon para mapilitan na silang mag-resign. ‘Ika nga, tila palusot na na lang ‘yan ng mga abusadong kumpanya para hindi sila magbayad sa ilang taon nilang serbisyo kasama sa separation benefits. Oh, ‘di ba, switik? ‘Kalerki!


Bakit kamo nangyayari ‘yan, eh, tila kasi may basbas pa ng DOLE Advisory. Sa ilalim kasi ng Labor advisories 9 at 1, maaaring magpatupad ang mga kumpanya ng kaunting pagbabago sa oras at paraan ng kanilang operasyon gayundin sa adjustment sa sahod at benepisyo ng mga empleyado hahang may community quarantine.


Take note, ha? Dedma ang mga buwitreng kumpanya na habang may mahigpit lang ‘yan na quarantine at wa’ sila pakels kahit pinaluwag na ang quarantine patuloy ang pang-aabuso ng mga hitad! Tindi n’yo, ha? Oy, may hangganan ang mga community quarantine, heler, napakahaba naman ng 6-months floating status ng mga kawani n’yo!


Kung tutuusin, hindi na dapat naka-floating status ang mga empleyado dahil GCQ na sa Metro Manila! Tila lasing lang ang peg na kunwari hindi n’yo knows na GCQ na, mega-samantala kayo sa workers n’yo! Itigil n’yo ang unfair labor practice! May ayuda na nga kayo, eh, para hindi manibak, super-duper ganid pa rin kayo, mga abusado!


Eh kasi naman DOLE, ‘wag silang bigyan ng chance na gamitin ang Labor advisory para mang-abuso ng mga kawani! Ang dapat ninyong gawin, obligahin sa isang bagong advisory ang mga kumpanya na agad aksiyunan ang floating status ng mga empleyado sa loob ng 30 araw at ipaalam kung kelan sila ulit makababalik sa trabaho. Ganern!


Ang bagong advisory ay dapat ding mag-obliga sa mga kumpanya na magsumite muna ng request sa DOLE bago manibak ng empleyado matapos ang isang buwang pagkalugi. Nai-report na raw sa IT & Business Association of the Phil. o IBAP ang mga abusadong call center company pero dedma sila! Kaya DOLE, kayo na ang magplantsa n’yan, now na!

0 comments

Recent Posts

See All

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page