ni Fely Ng @Bulgarific | December 24, 2023
Hello, Bulgarians! Kamakailan ay lumagda ang Social Security System (SSS) ng Memorandum of Agreement (MOA) sa Bureau of Customs (BOC) – Region IX sa Zamboanga City para ipatupad ang KaSSSangga Collect Program para sa social security coverage at proteksyon ng 16 Job Order (JO) at mga manggagawa sa Contract of Service (COS).
Sa ilalim ng kasunduan, irerehistro ng SSS ang mga JO at COS na manggagawa ng BOC bilang mga self-employed na miyembro ng SSS habang ang BOC ay magre-remit ng kanilang buwanang kontribusyon sa pamamagitan ng automatic salary deduction scheme para maging kuwalipikado sila sa mga benepisyo at pribilehiyo sa ilalim ng Social Security (SS) at Employees’ Compensation (EC) Programs.
Makikita sa larawan ang SSS President and Chief Executive Officer na si Rolando Ledesma Macasaet (ika-3 mula kaliwa) na nakikipagkamay kay BOC Region IX Acting Chief for Administrative Division Lelisa R. Gaceta (ika-4 mula kaliwa), kasama nila (mula kaliwa pakanan) SSS Senior Vice President for Mindanao Operations Group Edwin M. Alo, SSS Executive Vice President for Branch Operations Sector Voltaire P. Agas, at BOC Client Service Representative – Port of Zamboanga Sheiry Anne M. Abdulhaih.
Ang MOA signing ay ginanap sa Stakeholders’ Forum sa Palacio Del Sur sa Zamboanga City noong Nobyembre 7, 2023, at nasaksihan ng mahigit 220 kalahok kabilang ang mga kinatawan ng employer, empleyado, manggagawa sa informal sector, magsasaka at mangingisda, overseas Filipino workers, mga pensyonado, at iba pang benepisyaryo ng SSS.
Bukod dito, nilagdaan din ng Philippine Port Authority – Port Management Office sa Zamboanga City ang kahalintulad na MOA sa SSS sa panahon ng forum.
Para sa anumang impormasyon, opinyon, isyu o maging imbitasyon, mag-e-mail sa bulgarific@gmail.com o sumulat kay Ms. Bulgarific at ipadala sa Bulgar Bldg., 538 Quezon Avenue, Quezon City.
Comments