ni Atty. Persida Rueda-Acosta @Magtanong Kay Attorney | July 14, 2024
Noong ika-31 ng January 2020, inilabas ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang Labor Advisory No. 06 Series of 2020, na may petsang 20 Enero 2020 at may titulong “Guidelines on the Payment of Final Pay and Issuance of Certificate of Employment”. Ang advisory na ito ay ayon sa Articles 4, 103, 116, at 118 ng Labor Code of the Philippines, as amended, at Section 10, Rule XIV, Book V ng Omnibus Implementing Rules and Regulations nito. Kasama sa pangunahing layunin ng advisory na ito ang paglilinaw sa responsibilidad ng mga kumpanya sa pagbibigay ng certificate of employment sa kanilang mga empleyado.
Ayon sa nabanggit na labor advisory, ang “Final Pay”, “Last Pay” o “Back Pay” ay tumutukoy sa kabuuan ng lahat ng sahod o anumang monetary benefits na matatanggap ng isang empleyado, kahit ano pa ang dahilan ng pagtatapos ng kanyang pagtatrabaho. Kasama, pero hindi limitado, sa nasabing final pay ang mga sumusunod:
Unpaid earned salary of the employee;
Cash conversion of unused Service Incentive Leave (SIL) pursuant to Article 95 of the Labor Code;
Cash conversions of remaining unused vacation, sick or other leaves pursuant to a company policy, or individual or collective agreement, if applicable;
Pro-rated 13th month pay pursuant to Presidential Decree No. 851 (PD 851);
Separation pay pursuant to Articles 298-299 of the Labor Code, as renumbered, company policy, or individual or collective agreement if applicable;
Retirement pay pursuant to Article 302 of the Labor Code, as renumbered, if applicable;
Income tax claim for the excess of taxes withheld, if applicable;
Other types of compensation stipulated in an individual or collective agreement, if any; and
Cash bond/s or any kind of deposit/s due for return to the employee, if any.
Ang katumbas ng 13th month pay ay one-twelfth (1/12) ng kabuuang sweldo ng isang empleyado sa loob ng isang calendar year.
Maliban sa mga nabanggit na monetary benefits, na dapat ay mabayaran sa loob ng 30 araw mula sa araw ng “separation” o “termination” ng employment, ang isang empleyado, anumang uri ang dahilan ng pagtatapos ng kanyang pagtatrabaho, ay may karapatang mabigyan din ng “Certificate of Employment” sa loob ng tatlong araw mula sa oras na hiniling ito ng empleyado.
Anumang isyu o usapin na lalabas na may kaugnayan sa pagbabayad ng final pay o pagbibigay ng certificate of employment ay maaaring isampa sa pinakamalapit na DOLE regional/provincial/field offices na nakasasakop sa lugar ng kung saan nagtrabaho ang sangkot na empleyado para sa conciliation, ayon sa kasalukuyang proseso ng DOLE.
Comentários