top of page
Search
BULGAR

Mga eksperto nagmungkahi ng magkaibang regulasyon sa sigarilyo at makabagong produkto

ni Chit Luna @Brand Zone | January 23, 2024




Cigar and vapes


Dapat magkaroon ng makaibang regulasyon para sa sigarilyo at makabagong produkto tulad ng vape, heated tobacco at oral nicotine products na maaaring makatulong sa pagresolba ng pandaigdigang suliranin sa paninigarilyo, ayon sa mga dalubhasa.


Sinabi ni Prof. David Sweanor, tagapangulo ng advisory board ng Center for Health Law, Policy at Ethics sa University of Ottawa, na ang regulasyon sa vapes, heated tobacco, oral nicotine products at iba pang alternatibong walang usok ay hindi dapat maging kasing higpit kumpara sa mga tradisyunal na sigarilyo na ginagamitan ng apoy.


Ito ay dahil ang taunang pagsusuri ng Office for Health Improvement and Disparities sa UK, ay patuloy na nagpapakita na ang mga bagong produktong nikotina ay nagdadala ng mas mababang panganib kaysa sa paninigarilyo.


Si Prof. Sweanor ang unang abogado sa mundo na tumutok sa mga patakaran upang mabawasan ang pinsala mula sa paninigarilyo. Aniya, kung magkasing-higpit ang regulasyon na ipapataw sa sigarilyo at bagong produkto, mas kaunting mga tao ang maaaring magtangkang lumipat mula sa sigarilyo. Sinabi niya na ang ganitong regulasyon ay nagbibigay sa sigarilyo ng kalamangan sa merkado.


“Such regulations give the incumbent deadly products a marketplace advantage and reinforce misinformation about cigarettes being no more hazardous than smoke-free alternatives,” ayon kay Prof. Sweanor.


Sinabi ng mga eksperto na ang usok mula sa nasusunog na tabako, at hindi nikotina, ang nagdudulot ng mga pangunahing problema sa kalusugan na nauugnay sa sigarilyo.


Sa paglipat sa mga smoke-free alternatives tulad ng heated tobacco, vape o oral nicotine, ang pinsala ay lubhang nabawasan, sabi nila.


Ayon kay Prof. Sweanor, ang paglanghap ng usok ang nagdudulot ng pandaigdigang pandemya, at ang mga alternatibong walang usok ay mas mahusay na alternatibo sa sigarilyo.


“Empowering and facilitating the move to smoke-free products for people who smoke cigarettes would lead to one of the greatest advances in the history of global public health," dagdag niya.


Sumangayon si Dr. Jamie Hartmann-Boyce, senior research fellow sa Health Behaviors sa University of Oxford, na habang ang nikotina ay nakakahumaling, hindi ito nagdudulot ng pinsala mula sa paninigarilyo.


Aniya, ang ebidensiya ay nagpapakita na ang mga e-cigarette na may nikotina ay maaaring makatulong sa mga tao na huminto sa paninigarilyo, at sila ay hindi nakakapinsala tulad ng paninigarilyo.


Binatikos naman ni Prof. Peter Hajek, direktor ng Tobacco Dependence Research Unit sa Queen Mary University of London, ang World Health Organization (WHO) dahil sa mahigpit nitong paninindigan laban sa vaping. Ito ay humahadlang sa paglipat ng mga naninigarilyo sa mas ligtas na mga alternatibo, aniya.


Sinabi ni Prof. Hajek na ang posisyon ng WHO ay taliwas sa mga progresibong patakaran na pinagtibay ng mga bansa tulad ng Sweden, Norway, New Zealand at Japan, na nakarehistro ng pinakamalaking pagbaba sa antas ng paninigarilyo sa nakaraang dekada.


Aniya, ang paggamit ng sigarilyo ay nabawasan ng halos kalahati sa loob lamang ng ilang taon sa mga bansang ito.


Pinaalalahanan naman ni Prof. Sweanor ang ilang bansa na nagpataw ng mataas na buwis sa mga produktong nikotina. Ito ay tulad ng pagbibigay ng parehong parusa para sa pagmamaneho habang matino at habang lasing, dagdag niya.


"The bottom line is that we have known for decades that the reason people die from smoking is because of inhaling smoke, not from nicotine. We know that the countries that have had the biggest declines in cigarette smoking in recent times are countries that are essentially ignoring the advice of the World Health Organization—places that have allowed substitutes to replace cigarettes," sabi ni Prof. Sweanor.


Pinuna ng mga eksperto ang WHO Framework Convention on Tobacco Control (FCTC), ang pandaidigang tratado para sa pagkontrol ng tabako, dahil sa kawalan nito ng transparency at nanawagan para sa rebisyon nito para isama ang prinsipyo ng tobacco harm reduction (THR) na sumusuporta sa mga naninigarilyo na lumipat sa mas ligtas na mga alternatibo.


Ang mga kinatawan mula sa mga bansang lumagda sa WHO FCTC ay magpupulong sa Panama para sa ika-10 Conference of the Parties (COP) sa taong ito, matapos kanselahin ang pulong noong Nobyembre 2023, para talakayin ang mga pangunahing paksa tulad ng kung paano tratuhin ang “novel” o makabagong produktong nikotina.


Sinabi ni Dr. Riccardo Polosa, propesor ng Internal Medicine sa Unibersidad ng Catania at tagapagtatag ng Center of Excellence for the Acceleration of Harm Reduction (CoEHAR) sa Italy, na ang kasalukuyang mga patakaran sa pagkontrol ng tabako ay nangangailangan ng pagbabago.


Aniya, higit sa pagtataguyod ng mga aksyon tulad ng pagtaas ng mga buwis sa tabako and pagpapatupad ng mga pampublikong pagbabawal sa paninigarilyo, dapat ding isaalang-alang ng WHO ang tobacco harm reduction sa pamamagitan ng pagsulong ng mga makabagong produkto para sa mga nasa hustong gulang.


Ipinapatupad na ito ng mga bansang tulad ng Japan, Norway, Sweden, England at Iceland, aniya.


Sinabi naman ni Prof. Hajek na ang mga sakit na nauugnay sa paninigarilyo tulad ng sakit sa puso at sakit sa baga ay mawawala sa kalaunan kung ang mga naninigarilyo ay bibigyan ng pagkakataon na lumipat sa may mas maliit na panganib na mga produktong nikotina.


0 comments

Opmerkingen


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page